*****
Judith's POV
"I really really really really really really like youuu~ And I want you! Do you want me? Do you want me, too?"
Naalimpungatan ako dahil sa boses nina Loisa at Lara na nagkakantahan. Pagtingin ko sa bintana, nasa parang highway na kami. Dun ko lang nalaman na ilang kilometro na lang ay nasa CebuPac na kami. Ang tagal ko din palang nakatulog.
"Oooohh~! Did I say too much? I'm so in my head! When we're out of touch! I really really really really really really like youuu~ And I want you! Do you want me? Do you want me, too?"
Si Loisa birit na birit, nakikiwooh lang yung mga lalaki. Haha.
Maya-maya lang nakarating na kami sa may tapat ng CebuPac malapit sa may entrance.
"We're here." Sambit ni Luigi as he wear his shades bago lumabas ng van. Binuksan na din nina Vanessa at Carla yung sliding door. Isa-isa kaming bumaba.
"Mukhang masarap ang tulog ng prinsesa ko ah." Bungad sakin ni Justin habang inaalalayan niya ko pababa ng van. "Hindi ba masakit yung leeg mo?" Tanong niya. Iginalaw-galaw ko naman yung leeg ko and there, medyo masakit nga.
"Medyo lang." I told him.
"I'll massage it later." He told me then he winked at me. Jusko! Kay gwapo!
Nang maibaba ng driver yung mga maleta namin, kanya-kanya naming binuhat iyon. Well, si Loisa buhat-buhat ng kuya niya yung maleta niyang napakalaki. Tapos yung sakin naman buhat-buhat ni Justin. He's really a gentleman, and sweet.
Since nakabook na kami ng flight, naghintay pa kami ng mga 15 minutes. At nang tawagin na yung flight namin, pumasok na din kami sa may boarding area.
Nagpaalam na yung driver samin. At nang makapasok na kami sa eroplano, hinanap na namin yung upuan namin.
Tatluhan yung upuan na nakalagay sa ticket ko. Kung mamalasin nga naman, sa may bintana pa, eh medyo takot kasi ako pag nasa may bintana ako eh.
"Hi, my princess!" Napatingala ako at nakita si Justin na ngiting-ngiti. Naupo siya sa tabi ko.
"Dito din pala si Kristoff sa tabi ko." He told me. I just nod, though deep inside yung puso ko nagrereact na naman na akala mo siya yung tatabihan. -_-
Nang maayos na yung mga gamit namin, naupo na din si Kristoff sa tabi ni Justin. Hindi ko siya tinignan sa mukha niya, nilipat ko yung tingin ko sa kabila. Pero napalunok lang ako ng mapatingin ako sa bintana.
Jusko, nahihiya naman akong makipagpalitan kay Justin kasi baka isipin niya na gusto ko makatabi si Kristoff. Baka sumama loob niya kay Kristoff tapos magwalk out tapos manapak ng FA dahil humaharang siya sa may pintuan palabas ng airplane tapos pinilit niyang buksan yun at tumalon siya dun habang umaandar to!
Ang lawak ng imagination ko bwiset. -___-
Kasi naman, ayoko din kasing makatabi si Kristoff eh. ><
Asan ba kasi yung parang oxygen mask dito??
Nagsalita yung isang FA para magbigay ng safety precautions samin. Tapos maya-maya yung pilot naman nagsalita. Napalunok ako. Ayoko talaga dito pumwesto. Baka mahilo pa ko and worst is, magsuka pa ko dito. Nakakahiya kina Justin kung ganun.
Nagcount down yung pilot at maya-maya, isang nakakabinging tunog ang pinakawala ng eroplano. Nakaramdam ako ng kiliti sa tyan ko.
Ayan na, umaangat na kami. Straight lang akong nakatingin.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...