Chapter 37

11 1 0
                                    

*****

"So she's here?" Medyo kumunot lang ang noo ko sa pinsan kong dating maldita. Kahit naman ngayon, nabawasan nga lang kahit papano. Mabuti naman at naisipang magbago.

"I invited her." Walang gana kong sabi. Tsk. Ni hindi ko nga alam kung tama ba yung naisagot ko. Haha.

Aalis na sana ang magaling kong pinsan pero kaagad ko siyang pinigilan. "Ep ep. Not an inch, my dear cousin." She scoffed. Haha. Sarap talaga mang-asar.

"Don't be such a paranoid Fritzl," Boset. Ayan na naman siya sa pangalan ko. "I am not going to bite her, you know." Natawa ko sa sinabi niya.

"Bakit? Sinabi ko bang nangangagat ka?" Sinamaan niya ko ng tingin. She never likes it everytime someone answers her in a sarcastic way. Boset na yan. Andaya.

Nagstart na yung fashion show kaya saglit siyang nanahimik. Nang magtaka ako, nilingon ko ito. Nagpapalinga-linga siya sa paligid. Problema na naman neto?

Maya-maya, napatigil siya sa ginagawa niya. "Ooh. I think I found her." Kaagad kong sinundan yung tinitignan niya. Nakita ko din naman agad ito dahil may ilaw sa gilid ng ramp stage. Napanganga ako nang ilapit ni Moñego yung mukha niya kay Judith. Aba pota medyo maharot. Para silang maghahalikan. Haha. Naghahalikan nga ba?

Pagtingin ko agad kay Gale, mabilis na nawala sa kanya yung ekspresyon niya, at kaagad na napalitan yun ng pagkablangko. Napailing na lang ako.

Habang mukhang busy ang dalawang ibon sa kabilang side ng ramp stage, sinubukan kong hanapin si Lara. At hindi naman ako nabigo nang makita ko siya sa tabi ni Judith, beautiful as ever.

I clenched my jaw nang masambit ko sa isip yun.

I never thought of seeing her again. Kahit alam kong lumipat siya sa Silvestre, hindi ko binalak na makita siya. Dahil panigurado, pagtatabuyan lang ulit ako nyan katulad dati. Tsk.

Kahit sa KSNU ang laban last last week, pinigilan ko ang sarili ko na wag siyang hanapin.

No one knows, even Gale, that there's a reason why I've changed for the better. I made them believe that, it's because I've realized my duties and responsibilities as the only Castañeda heir. I was far than good two years ago. I was an unbearable asshole.

I smoke. I drink. Pero hindi ako humithit. Tsk. Pasaway lang ako. I break the minor rules, but only few on the major ones. I never tell myself that time about how my family needs me as their only successor. Hindi pa kasi ako handang magseryoso nun.

But then I fell in love for the very damn first time. Almost four months of love, pero lahat ng yon nawala dahil lang sa nahuli niya kong nakikipaghalikan sa ibang babae. Damn. Naalala ko na naman.

Aminado akong kasalanan ko din. Pero lasing lang ako nun at dala na rin siguro ng alak, hindi ko na namalayan na tinutugon ko na ang mga halik ng pusit na yun.

At aminado din akong hinahanap-hanap ko si Lara nun. Kaya nang halikan ako ng pusit na yun, akala ko siya.

I was also mad at that time dahil nasira ang pangako sakin ni Lara. Instead na magpatuloy siya sa DU, sa KSNU siya pinag-aral ng tatay niya. I was frustrated knowing na ayaw sakin ng tatay niya. Kaya naisipan kong uminom nun para matanggal ang sama ng loob sa dibdib ko.

Kaya nang hiwalayan niya ko, galit na galit ako sarili ko. Although natapos kami ng ganun-ganun lang, I was so hopeless that time! Dun ko narealize kung gano ako nilamon ng lintek na pagmamahal na yan.

Nang maghiwalay kami, kasabay ng mga magagandang ala-ala, naaalala ko yung mga panahong sinasakal ko siya at tinataasan ang pride sa tuwing nababasag ang ego ko sa kanya. Kung pano ko siya nakitang umiyak ng dahil sakin, pero natiis ko siyang huwag yakapin dahil nga sa lintek na pride ko. Kung pano niya din tiniis ang masama kong ugali. Kahit nakikita niya kung pano ko nun sagutin ang mga magulang ko, inaaway ko siya sa tuwing pinagsasabihan niya ko at sinusubukang itama ang mga mali ko.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon