Chapter 1

174 6 0
                                    

*****

Tahimik at payapa akong naglalakad nang biglang may bumusina mula sa likuran ko na halos ikalundag ko sa sobrang gulat.

"Ay pusang nilamog ng bongga!" Sinong kampon ni Satanas ang bumusina mula sa likuran ko?!

"Jia!" Napahinto naman ako nang marinig ko ang boses na yun.

Nilingon ko ito, "Daya mo naman. Hindi mo man lang ako hinintay." Pagtatampo niya.

"Nako! Ang tagal mo naman kasi." Reklamo ko naman sa kanya.

"Eh ano pang hinihintay mo dyan? Sakay ka na dito!" Agad ko namang binuksan ang pintuan ng front seat niya.

Siya nga pala si Kristoff Pierre Moñego. Childhood bestfriend ko.

Magkaklase ang mama niya at papa ko nung college kaya ayun. Close friends din ang mga nanay namin. Graduating na siya tsaka Business Administration ang kinukuha niyang kurso. Culinary Arts naman ang sakin since ako ang magmamanage ng tinayong cake shop ni mama. Third year college pa lang ako habang siya naman ay ahead sakin ng one year, so fourth year college na siya.

Makulit at mapang-asar din 'to. Pero kahit nakakapikon siyang kasama, hindi naman kami nauuwi sa away dahil sanay na ko sa kanya. Tsaka kahit ganun, masarap naman siyang kasama at marunong siyang maki-ride sa mga kalokohan ko.

Nag-aaral nga pala kami sa King Silvestre Northern University (KSNU). Karamihan sa mga tao dito mga anak ng businessmen o kaya anak ng may katungkulan sa bansa. Captain ball pala si Kristoff ng Knights, pangalan ng Basketball team nila dito na inilalaban hindi lamang sa iba't ibang school kundi international pa.

"Baliw ka talaga Jia. Balak mo bang lakarin mula sa inyo hanggang KSNU?" Tanong niya sakin.

"OA mo. Palibhasa kasi mukha kang kotse! Halos thirty minutes lang naman ang layo mula samin. Pwede namang lakarin." Sabi ko sa kanya. "Tsaka wait mo na lang. Malapit ko nang makuha ang lisensya ko." Pagmamalaki ko.

"Tsk. Sa pagkakatanda ko, after graduation ka pa daw bibigyan ni Tito Jude ng kotse." Automatic namang kumunot ang noo ko dun.

"No! Tanda mo nung 18th birthday ko? Sinabi pa mismo ni Papa sakin na before I graduate, may kotse na ko!" Pagmamaktol ko.

"No! Tanda mo nung 18th birthday ko? Sinabi pa mismo ni Papa sakin na before I graduate, may kotse na ko!" Pagmamaktol ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi natin alam~" He just shrugged his shoulders. I pouted.

---

AT KSNU

"Nako Larah! Yan ka na naman ha. Tigilan mo nga ko." Singhal ko sa blockmate and at the same time, kaibigan rin namin ni Kristoff na si Larah Marnina.

"Kailan ka ba masasanay sakin KitKat?" She pouted. Yeah, they call me KitKat because of my addiction to Kitkats.

"Kapag tumambling ka ng sampung beses sunod-sunod!" Pamimilosopo ko sa kanya.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon