*****
Humilata sa kama at tumulala sa kisame ang ginawa ko sa buong linggo. Lalo na nung dumating na ang weekends. Wala akong ibang ginawa kundi ang magstay sa kwarto at mag-isip ng kung anu-ano. Parang kahapon lang, nakatulog na ko dahil sa kakatunganga.
I felt real empty these past few days. Para hindi sila mag-alala, kahit papano bumababa naman ako para kumain at hindi ipinapakita sa kanila ang gloomy side ko. I've been pretending for the past few days pero mukhang ngayon na ata ang huli.
Minsan naisip ko, eto siguro yung resulta ng padesi-desisyon na nalalaman ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito kabigat ang nararamdaman ko. Mali ba yung naging desisyon ko? Pero pinag-isipan ko naman yung ng mabuti.
Pero hindi naman din mangyayari yun kung hindi ako tinanong ni Justin kung sino na bang mahal ko sa kanila eh. Pusang lamog, sinisi pa si Justin. -_-
Napabangon ako sa kama nang marinig ko na naman ang usual na sigaw ni Ate. Kanina, kumakatok si Mama pero nagpanggap ako na tulog hanggang sa makaidlip din ako. Pero ngayon, mukhang wala na kong takas.
"Bumangon ka dyan at buksan mo tong pinto!" Naupo na muna ako dahil bigla akong nahilo sa biglaan kong pagbangon. "Pag di mo to binuksan, say goodbye to this door of yours!" Imbis na matawa, napairap ako at tumayo na sa kama. Nilapitan ko yung pinto at agad na binuksan yun. Bumungad sakin si Ate na nakacross-arms at mukhang sinusuri pa ko.
"Ba yan, te. Hapon na hapon nambubulabog ka." Reklamo ko naman.
"Oo nga eh. Hapon na pero nakakulong ka pa din sa kwarto mo." Tumaas ang kilay niya sakin na ikinanuot naman ng noo ko. "Usually, tuwing umaga dapat kita binubulabog ng ganito. Bakit biglang pati sa hapon? Ano to? New sched?" Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at inirapan na lang siya habang papalabas ng kwarto.
"Dumiretso ka sa dining. Nandun si Mama." Hindi na ko nagtanong at bumaba na lang. Tutal dun naman talaga ko pupunta, maghahanap ng makakain.
Habang pababa na ko, napagkamalan pa ko ni Kuya na ako si Ate dahil bigla siyang nagsalita. Pagkakita niya sakin, nanahimik lang siya at ipinagpatuloy ang pagkalikot sa chess. Siguro hinihintay niya si Ate.
Pagkarating ko dun, tama nga si Ate. Nandun si Mama at mukhang nagsusulat na naman. Nilapitan ko na muna si Mama bago kumuha ng makakain. "Ma,"
Tinanggal ni Mama yung suot niyang salamin at tumingin sakin. "Usap tayo anak." Wala man akong idea sa pag-uusapan namin, naupo na lang ako malapit sa kanya. Natakam naman ako sa kapirasong cake na nasa tabi niya.
"Ano po yun Ma?"
Wala na ang focus niya sa pagsusulat at nalipat na ito sakin. "Matagal na din kitang hindi nakakamusta dahil may ginagawa din ako. Ayos ka lang naman di ba anak?" Nakaramdam ako ng higpit sa may puso ko dahil sa nag-aalalang tono ng boses ni Mama.
"A-Ayos naman ako, Ma. Bakit niyo naman po natanong?" Sumimangot si Mama.
"Malamang dahil anak kita. Nanay mo lang ako pero alam ko pa rin kung kailan ka dapat tinatanong ng ganito." Nakatingin lang sakin si Mama at mukhang sa tingin niya pa lang, hindi niya talaga ko tatantanan. "Kaya sabihin mo sakin ang totoo."
Napakamot ako sa braso ko. "Ma naman.."
Sumama ang tingin sakin ni Mama. "Kakareject mo lang kay Justin di ba? At si Kristoff? Ilang araw na iyong hindi nagpupunta dito. May nangyari ba?" Napabuntong-hininga na lang ako hanggang sa makalimutan ko na yung pagkain.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...