*****
Pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko habang pilit kong pinupunasan yung mga luhang walang tigil sa pagpatak.
"Tu--migil na kayo.. please.." Sambit ko habang patuloy ang paglalakad sa corridor. Papaliko pa lang sana ako nang may humawak sa balikat ko na siyang ikinasinghap ko.
Break time ngayon kaya I doubt na walang nakakita sa eksena kanina. Napilitan akong lingunin yung tumawag sakin dahil sa biglang pagharap niya sakin.
"Uy Judith!" Natigilan si Jerry nang matitigan niya ko sa mga mata ko. "Bakit ka umiiyak?" Parang mas lalo ata akong naiyak dahil dun. I excuse myself pero bago pa ko makapaglakad ulit, may narinig akong pamilyar na boses.
"Paraan akoooooo!"
Nilingon ko si Lara na ngayo'y hawak-hawak ang magkabila kong balikat. Nakaagaw ng atensyon si Lara dahil sa pagsigaw niya kanina kaya napayuko ako.
"Uy Lara namumutla si Judith." Turo sakin ni Jerry.
"Damn alam ko." Rinig kong sambit ni Lara. "Tulungan mo ko Jerry dali." Inalalayan ako ni Jerry sa braso habang inilalakad na nila ko sa hindi ko maaninag na lugar. Inaantok na ako..
"Hingang-malalim Judith. Sasabunutan talaga kita pag natulog ka bigla." Pananakot sakin ni Lara. Parang biglang humina yung ingay sa paligid kaya mas lalo akong inantok.
"Inaantok ako Lara.." Humigpit ang hawak sakin ni Lara.
"Wag ka muna matutulog, Judith. Malapit na tayo sa clinic. Saglit na lang to." Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko naman bigla ang pagbigat ng katawan ko.
---
Nagising ako sa isang pamilyar na amoy. Hindi ko agad naimulat ang mga mata ko dahil biglang kumirot ang ulo ko.
"Princess? Anak!" Sa boses pa lang ni Mama, alam ko na agad kung nasan ako. Pinilit kong minulat ang mga mata ko at bumangon pero may kung sinong pumigil sakin sa pagkakabangon na ginagawa ko.
"Judith wag ka muna bumangon." Rinig kong sabi ni Ate Julia. Pagmulat ko ng mga mata mo, nakita ko sina Mama at si Lara na nakaupo sa may kabilang gilid katapat ni Mama.
Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mama at bago pa ko makapagsalita, hinatak niya na ko papalapit sa kanya.
"Anak naman eh. Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Pinag-alala mo ko!" Sambit ni Mama habang patuloy sa pag-iyak. Wala na kong ibang nagawa kundi ang sagutin ang mga mahihigpit niyang yakap. Tumingala ako para makitang mabuti sina Ate at Kuya. Nag-iwas ng tingin sakin si Ate habang si Kuya naman ay seryosong nakatingin sakin na ikinakaba ko bigla.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...