*****
Sunday na ngayon at nilibre naman ako ni Ate ng pangshopping. Kasama namin si Mama ngayon para mamili ng mga bagong damit at pati na rin ng para sa pasko. Sina Papa naman, nasa ibang boutique, mga lalaki kasi sila.
Sina Mama din ang pumipili ng damit para sakin. Yung mga regalo ko naman para sa kanila, tsaka ko na lang bibilhin pag mag-isa akong nagpunta sa mall.
"Bagay yan sayo anak. Kukunin natin to." Halos madami na din kaming nabiling damit at nang matapos na kami, tinawagan na ni Mama sina Papa. Nagkita naman kami sa isang restaurant na matagal na din naming hindi nakakainan.
Kung anu-ano ding napag-usapan namin sa restaurant. Successful naman si Kuya sa business ni Papa dahil sabi nga ni Kuya: "Like father, like son."
Si Ate naman, nasa training na din siya pero mukhang nagagamay na din daw ni Ate ang business ni Papa. Parehas sila ng kakayahan ni Kuya at dahil nakitaan nina Papa si Ate sa business, baka dalhin siya sa France. Nandito sa Pilipinas ang main kaya hindi si Kuya ang napiling dalhin sa France.
Ako lang ata ang naliligaw saming magkakapatid.
Gusto ko din naman ang idea na imanage ang cakeshop ni Mama. Pero may bagay talaga na mas angat pa kesa dun.
Pag-uwi namin, tumambay na muna ako sa living area kung san naglalaro na naman sina Kuya ng chess. Nag log in ako sa fb dahil matagal-tagal na din akong hindi nagbubukas ng account ko.
Habang nakatambay ako sa news feed, may bigla namang nagchat sakin. Pagtingin ko, si Fritz.
Aba, halos isang buwan na din tong hindi nagparamdam ah.
Fritz Castañeda
active now______ Dec 21, 20xx at 3:35 pm ______
"Judy!"
--
"Panget!"
--Sent from Web
Kumunot ang noo ko sa huli kong nabasa. Kahit kelan talaga to.
Nung una, nagtype lang ako ng seen. Kaagad naman itong nagreply.
Fritz Castañeda
active now______ Dec 21, 20xx at 3:37 pm ______
"Aray ko bh3!"
--Sent from Web
Napasapo na lang ako sa noo nang mabasa ko yun. Wala na naman siguro tong magawa.
Nagtype ulit ito, tinatanong kung anong ginagawa ko. Niloko ko naman siya at sinabi kong kasalukuyan ko siyang pinapatay sa isip ko.
Nagkwentuhan lang kami at karamihan dun ay puro pang-aasar niya. Gusto niyang makipagkita dahil may ibabalita daw siya sakin. Nung una ayaw ko pang maniwala dahil baka niloloko lang din ako nito. Pinilit ko pa siyang dito na lang sa chat sabihin. Pero nang madala niya ko sa kung anu-anong salita, nacurious tuloy ako bigla.
Fritz Castañeda
active now
______ Dec 21, 20xx at 4:26 pm ______
"Importante to at mas maganda kung sa personal ko sabihin. Baka masira mo pa yung laptop mo pag sinabi ko na sayo dito."
Dahil wala naman akong ibang lakad ngayon, nagkita kami ni Fritz. Well, actually kakatext lang sakin ni Kristoff at nagyayayang lumabas. At ang mahal ko--este ang loko, talagang pumunta pa sa bahay nang hindi ko siya replayan.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...