*****
Masaya ako dahil okay na kami ni Lara. Minsan sabay kami pumasok, lagi na kaming sabay kumain, at kahit pag-uwi din ay madalas na din kaming sabay. Mas naging open na siya sakin at dahil dun, naging thankful pa ata ko dahil sa nangyaring misunderstanding samin.
Well, masasabi kong balik na kami sa dati ni Lara. Natapos na ang midterms kaya mas lumuwag-luwag na din ang pakiramdam ko. Ngayong weekend, plano kong puntahan si Justin. Hindi ako sigurado kung ayos lang ba tong gagawin ko, but I'm perfectly sure about talking to him.
It was afternoon when I got out of our house. Hinatid ako ng family driver namin sa isang coffee lounge malapit sa company ng family ni Justin. Nagpaiwan na din naman ako agad kaya umalis na yung driver namin.
Naupo lang ako sa two-seater couch katabi ng human size window. Tanaw na tanaw ko dito yung building nila kaya dito ako pumwesto.
Paubos na yung mini latte na iniinom ko nang makita kong lumabas si Justin mula sa main entrance. Nakatayo lang siya dun at mukhang may kinakalikot sa phone. Kaagad akong tumayo at lumabas ng lounge.
Nakatayo lang ako malapit sa nilabasan kong lounge, habang abala si Justin sa pakikipag-usap dun sa phone. I watched him from afar as I look for evidences that he's doing fine.
Pagkababa niya nung telepono niya, hindi na ko nagsayang ng oras at tumawid na ng kalsada. Justin's eyes widened as he saw me walking through his direction. Nakahinto lang yung kamay niyang may hawak na phone sa mid-air habang papalapit na ko sa kanya. His lips were slightly parted.
When I just realized where I was now, I took a brief deep breath as we finally face each other. Mukhang hindi pa siya natatauhan kaya ginamit ko din ang onting oras na yun para kausapin ang sarili ko.
Naniniwala akong may magagawa ako para kina Lara. Kung para kay Lara huli na ang lahat, para sakin hindi pa.
"Justin," I called. Napakurap siya at mukhang natauhan na. He gave me a little smile. "Judith.."
"Aalis ka na ba? Umm, can we talk?" Sinadya ko talagang lagyan ng hope yung pagtatanong ko sa pagbabakasakaling hindi na siya makatanggi sakin.
"Yeah, sure. Gusto mo bang pumasok na muna?" He offered, his body moved on the side. Umiling lang ako.
"Hindi na. Hindi naman ako magtatagal." I answered with a smile. Napangiti din siya. Humarap siya sa may kalsada kaya ginaya ko din siya. I think mas masasabi ko din lahat kung wala kaming eye contact. Nasa may gilid naman kami kaya hindi kami nakaharang sa daan. Pero tingin ko hindi pa rin sapat na dahilan yun para hindi kami mapansin dito. But it doesn't matter anyway, mag-uusap lang naman kami.
"Kelangan mo ba talagang umalis?" Tinignan ko siya at nakita kong natigilan din siya. So, totoo nga talaga.
"Did Lara told you?" He chuckle. Wala pala siyang alam na nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan ni Lara. "Of course. Siya pa lang naman nakakaalam."
Bahagya akong napayuko. "I'm sorry.."
"No it's okay. I wanted to tell you also. Pero hindi lang ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sayo." Napakamot siya sa batok niya.
"Why not? Magkaibigan naman tayo." He gave me a gentle smile. Gumaan ang ekspresyon ng mukha niya, na nakapagpakalma sa puso ko.
"Can I, give you a hug?" Nag-aalinlangan niya pang sabi. Tumango lang ako kaya naman maingat niya kong niyakap. It felt nice kaya napapikit pa ko.
"I have to, Judith. For my happiness." Mahina niyang sabi. Nakapikit pa rin ako.
"Hindi ko maintindihan. Bakit? Nasa abroad ba yung happiness mo? Maghahanap ka ba ng babae dun?" Iminulat ko yung mga mata ko. "Justin, nandito yung happiness mo. Why abroad?" Gusto kong maiyak sa mga pinagsasabi ko pero pinigilan ko ito. I'll have to control myself para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin bago siya umalis--bago pa mahuli lahat.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...