*****
Judith's POV
"A-Anong tingin yan?"
He grins, "Ngiting nagbibigay ng uno."
~.~
Napailing na lang ako. Medyo inabot ng ilang segundo bago ko siya nagets. Hay nako Fritz, alam ko na yun. *Shows a proud gesture*
Nakakatuwa naman tong si Fritz kumain. Nakakagana. Napapakain din tuloy ako. Ang tyan ko kawawa tuloy. :3
"Grabe ang sarap ng luto mo!" Puri niya sabay inom ng Pineapple Juice na tinimpla niya. Tumawa lang ako. Itsura niya kasi eh. Akala mo ngayon lang nakakain sa tana ng buhay niya.
French dish nga pala yung niluto ko. Half slice ng Baked Camembert at mga iilang piraso pa ng mga Gougeres ang natira sa mga niluto ko. Kay Lara naman Italian dish.
"Wag mo naman pahalata sakin na sobrang sarap ko magluto. Sige ka lalaki ulo ko nyan. Hahaha." Natatawa kong sabi.
Lumunok muna siya bago magsalita ulit. "For sure pag nagkita kayo ng pinsan ko, pupurihin ka din niya." Sabi naman niya. "Natutunan niyang magluto ng ganung kasarap dahil sa bestfriend niya eh." Dagdag niya. Tumango lang ako.
*Phone Beeps*
"Oh!" Sumubo pa siya bago ako tignan, "Paparating na pinsan ko. Matitikman mo na yung luto niya." He told me while grinning. Maloko yung mga ngiti niya. Problema ng isang to?
Malapit na din ako matapos sa pagkain ko. Si Fritz kuha pa ng kuha. "Wag mo kong sisihin pag tumaba ka nyan ah." Pabiro kong pagbabanta.
"Haha! Don't worry. Hindi ako basta-basta nataba." Pagpapa-alala naman niya.
*Bzzt*
"Baka pinsan mo na yan." Sambit ko kay Fritz kaya tumayo siya agad.
"Mainipin yun kaya kailangan pagbuksan agad ng pinto. Haha." Tapos tuluyan na siyang naglakad papunta sa pintuan. Nakatalikod pala ko sa may living area kaya di ko agad makikita yung darating. Makakain na nga lang ulit.
"How's France?" Boses ni Fritz yun.
"Nilulubog na ng baha." Boses ng babae yun. Siguro pinsan ni Fritz yun. Mukhang babae nga pinsan niya. "Syempre romantic pa din no. Monsieur Fruei wants to see you. Nakita niya kasi yung works mo."
"Really Gale?!" Lumalakas na yung boses.
"Judy!" Pagkabalik ni Fritz sa upuan niya, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung kasama niya. "Cousin ko. Si.."
Avi.. Aviegale Carlos.
I, I have no idea na pinsan niya pala si Fritz..
"Judith?" Rinig kong tanong sakin ni Fritz. Nabitawan ko na yung mga kubyertos na hawak ko. I'm shaking.
I looked at Fritz at mukhang nagtataka siya sa inaasal ko. I saw his eyes looking at my hands kaya napatayo na ako, trying my best not to look at her.
"I, I better go." Bago pa siya sumagot, tinalikuran ko na agad sila. I held my shaking hands together. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
This is not really happening.
Kaagad kong nakita yung bag ko sa sofa ng living room kaya agad ko ding kinuha yun at nagpunta sa may pintuan palabas. Saglit pa kong napahinto sa pag-aalalang suot ko yung pambahay na slippers. This must be from hers.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...