Chapter 51

4 1 0
                                    

*****

Judith's POV

Present

"Princess,"

"Yes Ma?"

Natigilan muna si Mama bago magsalita, "May dapat ka bang ipaliwanag sakin?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Mama. Bumaba ako saglit para lapitan siya.

"I dunno, Ma. May dapat po ba akong ipaliwanag?" Naguguluhan kong tanong.

She paused again before answering me. "It's been almost a month pero dalawang lalaki na lang lagi ang naghahatid-sundo sayo dito." Napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Uh-oh.

"Kung hindi si Justin, si Kristoff. Kung hindi naman si Kristoff, si Justin naman." Nagpumeywang sakin si Mama, "Madalas ka ding umuuwi na may mga dala. Kung hindi bulaklak at tsokolate, kung anu-anong hindi ko maintindihang regalo ang dala-dala mo lagi pag-uwi. Kailan mo pa naging birthday ang everyday??"

Pinaningkitan ako ni Mama, "So tell me anak, may dapat ba kong malaman? Especially about Kristoff?"

Huminga ako ng malalim. "Okay Ma. I get it. Calm down, okay?" Dinala ko si Mama sa living room pero nagsisi ako dahil nandun sina Ate't Kuya pero mukhang abala naman sila sa chess habang nakabukas ang TV.

Naupo si Mama sa couch. Huminga ulit ako ng malalim bago ako magsimulang magpaliwanag sa kanya. "Ma, the truth is.." Mukhang naiinip na si Mama kaya nagsalita agad ako, "Kristoff has been courting me since last month. Halata naman di ba Ma? Hindi nagbibiro si Kristoff when she once joked you about it." Halatang nagulat si Mama sa sinabi ko. Hindi agad siya nakapagsalita kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila ito.

"At.. sinong sasagutin mo sa kanila?" Halatang pilit na kinakalma ni Mama ang sarili niya.

"H-Hindi ko pa po alam, Ma." Pagsisinungaling ko. Bumuntong-hininga si Mama at siya naman ang humawak sa kamay ko. She held both of my hands at pinisil niya ito pareho. She gave me an assuring look.

"Anak. Hindi man ako makapaniwala, pero hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. Kung san alam kong sasaya ka, nandito lang kami, okay? Justin is a good boy. At para ko na ding anak si Kristoff." Ngumiti ako at tinanguhan si Mama. Tumango din siya at niyakap ako. How I love my mom.

Yes, it's been a month since they've been courting me. Natuwa nga ko dahil mukhang ayos lang naman ang dalawa lalo na't pareho silang err, nanliligaw sakin.

Ilang araw na lang din at pasko na. Malapit na ding matapos ang taon na to. After Christmas pa naman kami uuwi ng Cebu para dalawin ang mga kamag-anak namin. Sa ngayon, prelims week na namin.

Umakyat na muna ako sa taas para ipagpatuloy yung thesis ko tsaka yung interview. Sa January ang pasahan nung interview tapos yung thesis, binigyan kami ng two months bilang extension.

And as for that interview, si Kristoff na ang tumutulong sakin. Pumayag naman din ako dahil sa totoo lang, mas close ko si Tito Stefan kesa kay Tito Timothy, papa ni Justin. Nang malaman ni Kristoff ang tungkol sa interview na yun, nagpumilit na din naman siya kaya pumayag na lang din ako. He wanted to help naman eh.

Tinitigan ko yung dalawang Minion stuff toy na nasa kama ko. Yung Bob, yun yung ibinigay sakin ni Justin nung nasa Star City kami. Yung Stuart naman, yun yung gusto kong makuha sa Timezone dati. Bigay naman yun ni Kristoff. Napangiti naman ako nang maalala ko kung pano niya binigay yun.

Nangyari yun nang paggising ko, kayakap ko na si Stuart. May iniwan pa siyang note sa lamp shade ko nun.

_ _ _ _ _

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon