Chapter 70

8 1 0
                                    

*****

Umuulan ngayon. Walang bagyo ngayon pero tatlong araw ng makulimlim at umuulan ng malakas. At ngayon, parang katulad din ako ng mga ulap na yan ngayon. It perfectly expresses what I feel.

Pero hindi ako iiyak. There was a pact between my family and a vow to myself. Hindi na ko babalik sa ospital, at kung iiyak man ulit ako, ako na lang ang makakaalam. I want to do the better in this agonizing situation.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nasa ospital ako. Nakapasa kami sa defense at finals na lang ang inaalala namin ngayon. After ng sem na to, I'll be one step ahead to the graduation and then..

Tumunog yung bell sa di kalayuan at paglingon ko dun, kaagad naman niya kong nakita. She's wearing a black long-sleeved blouse and white skinny jeans. Tumutunog ang suot niyang short boots na kulay itim at may black glasses pang nakapatong sa ulo niya. Naglakad siya papalapit sakin at naupo sa harapan ko. Saglit siyang nagpagpag ng blouse niya gawa ng ulan sa labas.

"Naghintay ka ba ng matagal?" Tanong niya.

Bahagya akong umiling. "Kanina pa ko dito. Pero hindi mo naman ako pinaghintay ng matagal." Ngumiti siya sakin at binigyan ko naman siya ng tipid ng ngiti.

Pumayag si Mama na dalawin ko si Tito Stefan pero tinanggihan ko yun. Instead, dinalaw lang namin siya mula sa malayo. Alam kong mapapatawad ako ni Tito dahil para kina Mama naman yung ginawa ko. Baka kung ano pang hindi magandang mangyari pag nagpakita pa kami dun.

On the day of his burial, tumambay ako dito sa CofFeel para kalmahin ang sarili. As I stay here for hours, tumawag sakin si Jolene. Gusto niyang makipagkita at makipag-usap sakin. Gusto ko mang tumanggi pero wala na akong nagawa dahil alam niya na agad kung nasan ako at malapit na siya dito sa CofFeel. I ended up with a heavy sigh at walang nagawa kundi ang hintayin siya.

And here she is now.

"Yung burol.." I trailed off at binigyan lang siya ng tingin.

"We peacefully bid him goodbye." Sagot niya na biglang ikinayuko ko.

Tinawag niya yung pangalan ko kaya napaangat ulit ang tingin ko sa kanya. "I need to talk to you about something."

Nakatingin lang ako habang siya naman ay seryoso lang na nakatingin sakin. "I heard that Tita Karis told you about a certain fallacy at nandito ako ngayon para i-clarify sayo yun, at yung mga possible misunderstandings between us--which is ayokong mangyari."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko to inaasahan sa kanya. What will she explain? Hindi ko maintindihan.

"Fallacy? Anong ikaclarify? Tsaka possible misunderstandings?" Sunud-sunod kong tanong. "What do you mean?"

Bumuntong-hininga ito at pumikit saglit. "Hindi kami ikakasal ni Kristoff, Judith."

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon