*****
Judith's POV
BV na BV ako ngayon.
2pm na kasi pero wala lang akong ibang ginawa kundi kumain, uminom ng tubig at gamot, at matulog dito sa kwarto ko!
Inatake na naman kasi ako ng Asthma ko at ang nangyari, hindi nila ko pinayagang lahat na pumunta sa school tutal wala naman na kong game.
So that explains kung bakit ang sama ng tingin sakin ni Kristoff nung naglalaro ako sa court kahapon. Ayaw kasi ako nun na napapagod dahil alam niyang masama sa kalusugan ko.
Pero kasi naman, Maglalaro si Carla ng Badminton ngayon tapos si Luigi naman sa Table Tennis.
Tinetext ko sila Lara para makibalita kaso hindi naman nagrereply! Kaya hindi ko tuloy napanuod lahat ng games nila!
Nanalo nga pala kami sa Volleyball kahapon kahit nahimatay ako nun. Pinalitan nila ko tapos di nila nireset yung game. Thank God.
Nahiga na kong muli at nagbasa na lang ng PSHR ni Marcelo. Kaso nang pumasok sa isip ko yung title ng story, agad ko itong sinara at nilagay sa side table ko.
Hay! Ang boring.
---
*Poke Poke*
Ugh! Di niya ba alam na ayokong iniistorbo sa pagtulog? Nagpalit ako ng pwesto papalayo sa nanggigising sakin. Pasalamat ka masama paki-
*Poke Poke*
"A-Ano ba!" Inihagis ko yung unan ko papunta sa direksyon niya at inayos ang pagtatalukbong ng kumot sakin.
"Grabe talaga tong si Judith."
"Parang hindi naman kayo nasanay sa kanya."
"Eh kung kilitiin na lang kaya natin?"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at umupo mula sa pagkakahiga. Nakatulog pala ko sa sobrang bored ko kanina.
O.O
"Wow! Nagising ka ha." Di makapaniwalang sabi sakin ni Lara na parang akala mo gumawa ako ng isang himala.
"Hilig mo talaga sa manipis na oversized shirts tsaka shorts. Nakita ko na naman ang kasexyhan ng Choc-nut namin. Hihi!" Loisa told me while giggling.
Automatic kong inangat yung kumot na hawak ko para matakpan yung lower body ko. Nakaupo pala kasi si Kristoff sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.
Actually sanay naman na kong nakikita nilang nakaganto ko dahil madalas din kaming magbonding dito sa house namin.
And I think alam ko na ang balak nila ngayon. I can see what they brought with them.
Foods. And for sure may Choc-nuts dyan.
*0*
Nagsnap sa harapan ko si Kristoff kaya napatingin ako dito, "Mukhang masarap ang tulog ng Chaks ko ha. May laway pa sa gilid ng bibig." Tapos tumawa siya. Bigla tuloy akong naconscious kahit dati naman, kapag kasama ko siya, hindi uso sakin yun.
"Talaga? Pero bakit ang ganda pa rin niya kahit ganun?" Napatigil kami sa sinabi ni Justin. Si Kristoff tumigil na sa pagtawa.
Jusko Justin isa ka pa. ><
Naramdaman ko ang pagtayo ni Kristoff.
"A-Ano guys? Papanuorin niyo lang ako dito? Wala kayong balak lumabas?" I told them. Mukhang natauhan na rin sila.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...