Chapter 14

42 1 0
                                    

*****

"Salamat ulit sa, uhh, paghatid."

"Sana hindi ka mapagod kakapasalamat. Baka hindi mo na din mabibilang kung ilang beses ko tong gagawin." Nagwave na siya at lumapit na sa kotse niya.

"Ingat ka."

Ngumiti siya, "I will. Good night."

Pagkaalis niya, ipinasara ko na yung main gate at pumasok na sa loob.

"Nandito na--" Napatigil ako nang makita ang isa naming kasambahay na nasa living room at mukhang naglilinis ng center table dahil may hawak itong feather duster.

Pero hindi yun ang pinakadahilan kung bakit ako napahinto at nandito pa rin sa likod ng kakasara ko lang na pinto. Ni hindi pa nga ko naghuhubad ng sapatos ko.

Sinenyasan kasi niya ako na wag maingay. Nilapitan ko ito at inilapag na muna yung bag ko sa sofa.

"Bakit po?" Tanong ko.

Nakarinig ako ng yabag sa pinakataas naming hagdanan. Si Kuya.

Seryoso lamang ito at mukhang wala pang balak na bumaba.

Lumapit pa sakin yung kasambahay namin at binulungan ako. "Ang Ate niyo po, nandun sa labas ng library."

Hindi na ko nagtanong at nagdecide na pumunta dun. Nakasalubong ko si Kuya sa pinakataas na hagdan. Umiling lamang ito sakin at bumaba na.

Iba yung aura ni Kuya. Bakit kaya?

Alam kong masasagot ang tanong ko kung pupunta na talaga ko sa lib namin. Tama nga siya, naabutan ko nga dun ang Ate ko sa labas at nakatayo lamang doon.

Nagulat ako nang may mabasag na vase mula sa loob ng lib.

Nagsimula akong kabahan. Si Ate, natutop niya yung bibig niya.

Maya-maya, naisipan kong dumiretso na lang sa kwarto ko at kinandado yun.

---

Wednesday

Kahapon.

Wala akong idea sa nangyari sa bahay nung mga oras na yun. Okay naman kami last Saturday. Hindi ako sumabay kumain ng hapunan kagabi. Nagtulog-tulugan lang ako sa kwarto ko tapos maagang-maaga akong pumasok kanina para hindi ko maabutan sina Mama at Papa.

Nandito na naman ako sa CofFeel At Home Shop. Nagrireview na ako for Finals namin next week. Tapos next next week, enrollment for second sem.

Next next next week na pala ang OJT nila Jolene, Kristoff, Justin, Lewis, at Luigi. Second Sem na din next next next week. Tapos graduation na nila next year.

Speaking of Justin, dalawang araw niya na kong nililibre ng lunch at hinahatid-sundo. Every time na magtatanong silang lahat, nagkikibit-balikat lamang ako at tatakas sa mga suspicious nilang tingin.

Bilib na nga ko sa sarili ko na natatakasan ko yung mga ganung bagay eh.

Hay. Shems lang. Hinahayaan ko na lang at iniisip kong friendly hang-out lang yung ginagawa ni Justin sakin.

Kaso nang malaman yun ni Kristoff, hindi na kami nagkakasabay sa kotse niya. Simula nang makita niya si Justin sa tapat namin nung Monday. Hinayaan daw ni Kristoff si Justin na sunduin ako at nauna na siya nun.

To be specific, hindi ko na siya nakakasabay pumasok at umuwi.

*Phone Beeps*

=====

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon