Chapter 17

15 1 0
                                    

*****

Judith's POV

Sana hindi na lang ako nagising ulit. Gusto ko lang matulog. Yung hindi ko ulit madadatnan yung mga magulang ko na hindi okay.

"Judith.." Hindi ko pinansin si Mama. Nagtalukbong lang ako ng kumot. "Just leave me alone." Mahina kong sambit pero saktong-sakto para marinig niya.

I'm being a brat. Masisisi niyo ba ko? Masama loob ko sa kanilang dalawa. They made us worry so much. Parang wala silang anak kung makaasta kahapon.

And great, hindi ako nakapasok sa school.

Finals pa naman next week tapos wala pang pumapasok sa utak ko.

"Anak.." Gusto kong umiyak. Pero ayokong maramdaman yun sa mga pisngi ko. "Please. I want to be alone."

Naramdaman ko at pagtayo ni Mama sa kama at ang sunod-sunod na hakbang at pagsara ng pinto. Umalis silang lahat.

Dahan-dahan kong inalis yung kumot at nanlaki ang nga mata ko nang tumambad sakin ang isang gwapong mukha.

Hindi ko alam ang irereact ko nang makita ko siya kaya agad akong lumipat sa kabilang side ng kama ko, patalikod sa kanya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. I know ayaw niyang tinatalikuran ko siya.

"Chaks.." Gusto kong mabingi para hindi ko siya marinig. Wag ngayon Kristoff. Gusto ko talagang mapag-isa.

"Chaks naman eh. Humarap ka dito." Hindi ako nagpatinag. "May Choc-nuts pa naman ako. Tch." Walang anu-ano'y humarap ako sa kanya. I glare at him as he laugh.

"Hindi ka pa nagbbreakfast." Sabi niya habang inilalapit yung pagkain na nasa likuran niya. "B-Busog ako.."

"Busog? Ano kinain mo? Laway mo?" I pouted. "I told you not to do that." He warned me.

"Kadiri ka." Sambit ko.

Kinuha niya yung mangkok ng, Porridge, I guess, at hinalo-halo iyon. "Eat." Utos niya.

"Kristoff naman eh." Sinamaan niya ko ng tingin.

"Shoks naman eh." Ulit ko.

Inilapag niya muna yung mangkok sa isang side table sa tabi ng kamang hinihigaan ko. At hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin.

"C'mon Chaks. I'll make my bestfriend feel better."

Hindi na ko sumagot. Instead, I returned his hug, at umiyak muli.

"Hep. Two things. Wag masyadong umiyak, and wag mong basain yung damit ko." Natawa ko sa sinabi niya at dinamdam ang pagyakap ko sa kanya. Pumikit ako, and somehow, it feels so good, and I feel so safe.

Dug, dug

Dug, dug

Malakas kaya yung pagkabog ng dibdib ko? Naririnig ko ata eh. Sana hindi niya naririnig.

Justin's POV

"Huy! Tama na kakasilip dyan." Bulong sakin ni Lewis matapos akong tapikin sa balikat. Halos atakihin ako sa ginawa niya. 'Nang playboy talaga to. -__-

"Poor Papa Justy. Huehuehue." Nak ng baklang to. Galing talaga mang-asar. Kung di ko lang talaga to tropa, baka kanina ko pa to nasupalpal.

Pero joke lang yun no. Hindi ako katulad ni Pareng Luigi.

I'm sweat, este sweet.

Kidding aside, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Nagseselos ba ko?

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon