Chapter 33

17 2 0
                                    

*****

Iminulat ko ang mga mata ko.

*sigh*

Okay, mukhang nakabalik na ko sa reyalidad.

Napahikab na lang ako. Hayyy. Anong oras na din ako nakatulog kagabi. Kung anu-ano kasi tumatakbo sa isip ko.

Psh. Ay mali, sino pala.

Siguro pagod na pagod kagabi si Kristoff. Ilang oras din kasi siyang nagtatatakbo sa isip ko.

K. Ang korni.

Wednesday na ngayon at naisipan kong magstay muna dito sa bahay. Bukas pa kami pupunta ni Lara sa school tapos kakatext lang din nina Loisa na sa weekend na lang daw kami lumabas. Mukhang busy daw kasi yung mga boys.

Hmm, so busy din pala si Kristoff ngayon?

Naisipan kong maligo na bago bumaba para magbreakfast. Pababa pa lang ako ng hagdan nang marinig ko ang papaalis na sasakyan. Siguro sina Papa yun. May trabaho ba silang lahat ngayon? Napasimangot naman ako.

Pagkarating ko sa dining area, kaagad na nawala yung pagkasimangot ko.

"Oh. Gising ka na pala anak." Iniabot niya sa isang kasambahay yung hawak niyang mangkok at inilapag naman niya iyon sa gitna ng lamesa. "Good morning, princess."

Nilapitan ko yung lamesa, puro mga pagkain, ambabango. Napangiti naman ako nang makita ko yung paborito kong specialty niya na Bacon in Baked Cheese Sandwich. Mas nagutom tuloy ako.

"Good morning, Ma. Wala ka work?" Naupo na ko sa usual seat ko. Lumapit si Mama sa table para ilapag yung usual cup ko na may fresh cold milk for sure. Hindi kasi ako fond ng hot beverages.

"Before lunch pa ko papasok. Mukha kasing wala kang lakad ngayon. I just want to prepare this for you at sabayan kang kumain. Your father, brother, and sister wasn't able to make it dahil nagpunta sila sa isang transaction."

Nagulat naman ako dun, "Training na din po si Ate?" Tumutulong kasi si Ate kay Mama sa cakeshop.

"Yes, princess. It's almost decided at mukhang in the near future, pupunta siya ng Paris para subukang i-manage yung business branch natin dun." Tumango na lang ako. Pag nangyari yun, there's a chance na sa cakeshop ako ni Mama magtatrabaho, far away from my dream..

Senyales na ata to na hindi ako makakarating ng Paris para maging model ng Elite. Psh. What am I even thinking? Masyado naman kasing mataas yung pangarap ko.

Naupo na si Mama sa usual seat niya. "Let's eat." Nakangiti nitong sabi. Inisip ko na lang yung ginawa niya ngayon sakin kaya kusa na rin akong napangiti.

Kahit hindi na ko bata at kung tutuusin ay nineteen na nga, alam kong para kay Mama, ako pa rin yung baby princess niya. Kaya eto siya at hinahainan pa rin ako.

Nakangiti lang ako habang kumakain. The best talaga si Mama. Ang sarap talaga ng mga luto niya.

"Ano anak? Ayos na ba ang mga schedule mo para sa next sem?" Tanong naman ni Mama.

"Ayos na po. Babalik pa po ulit ako bukas." Tumango lang si Mama.

Patapos na kami kumain nang ipaalam sakin ni Mama na pupunta siyang cakeshop. Binilinan niya kong huwag kakalimutang uminom ng gamot ko.  Mukhang ako nga lang talaga mag-isa dito. Kasama ko naman yung mga kasambahay.

After makapagpalit ni Mama ng semi-formal, nagpaalam na ito sakin.

"Alis na muna ko anak. Ingat ka dito. Just call me pag may problema." Nanalamin pa ito, "Ba't di mo na lang pala papuntahin si Kristoff dito?" Gusto kong masamid sa suggestion ni Mama. Well, for my mother, normal na yung mga ganung bagay. Madalas din naman kasi si Kristoff dito lalo na pag nakatambay lang ako sa bahay. "Speaking of that boy, ilang araw na din siyang hindi nakakapunta ulit dito. Busy na ba siya?"

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon