*****
Friday
Nanatili lang akong nakapoker face habang patuloy lang siya sa pagdadrive. Yeah. Right now, I'm with the person who's beaming so widely, like it's going to tear both side of his lips.
I heard a small laughter from the backseat. Sinamaan ko siya ng tingin mula sa rear view mirror, pero nagpeace lang ito sakin.
"Oh come on Choc-nut. You're going to ruin your get up." Nagcross arms lang ako at diretso ng tumingin sa daanan.
"Ganyan talaga Lara pag kinikilig." Napatigil ako sa sinabi ni Kristoff. What the hell? Nakakahiya! Andito pa naman si Lara. ><
"Ang k-kapal ng mukha mong shokoy ka. Bakit naman ako kikiligin sayo?" Inis kong sabi. Nako. Pag mga ganitong bagay, mas mabuti na lang na wag akong sumakay. Baka mahalata pa niya yung nararamdaman ko sa kanya. Psh.
"Baliw ka talaga Kristoff. Bakit naman yan kikiligin sayo? Eh nandyan naman si Justin. Di ba Choc-nut?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lara at kaagad na sinilip siya sa salamin. She's looking at me with a mischievous smile kaya sinamaan ko lang ito ng tingin.
Hindi na ulit nagsalita si Kristoff at tahimik lang na nagdadrive. Parang gusto ko tuloy hampasin ng barbel si Lara. As if namang mabubuhat ko yun.
Matapos ang ilang minutong katahimikan ay natanaw na namin ang building ng Castañeda. Umiilaw ito at kumikislap gawa ng silver lightings na nakakabit sa kabuuan ng building. Kitang-kita pa rin ang building na ito kahit gabi. Mapagkakamalan mo pang hotel sa ganda.
"Castañeda's Art Exhibit." Sambit nito sa isang guardhouse sa basement parking kaya pinapasok naman kami nang ipakita ni Kristoff yung ticket na parang invi. Pinakita din namin yung samin ni Lara for confirmation din. Okay, medyo strict.
Lumabas na ko agad at ganun din naman sina Lara. Nang makalayo na kami sa nakaparadang sasakyan, tinawag naman ako ni Lara.
"Parang ayaw ko na atang pumasok." Kaagad kong sinamaan ng tingin si Lara. She's wearing a dark blue sleeveless dress na made in soft fabric at above the knee sa harap, pero below the knee naman sa likod. Nakastilletos ito na black.
May maliit at itim na sling bag siyang dala. Ayaw niya daw mag-ayos ng sobra pero kahit nakamessy bun ang buhok niya at nag-apply ng light make up with red lipstick, nakumbinsi ko ang sarili ko na echos niya lang yun.
I'm wearing a dark brown halter neck see through dress. Para itong may tube dress sa loob pero may manipis na tela sa labas. Jaguar printed ang suot kong pumps at may pouch din akong dala na itinerno ko sa suot kong sapatos.
"Magtatampo talaga ko sayo Lara. Andito naman ako eh." Pinilit kong bigyan siya ng nakakagaan na ngiti at ganun din naman ang ginawa niya.
Sinilip ko si Kristoff at kaagad naman siyang lumingon sakin. Kaagad kong iniiwas ang tingin ko at napalunok sa kagwapuhang taglay niya. Simpleng dark coat at pants ang suot niya. May faded black and white na pangloob siyang suot at nakavans shoes siya na kulay black at may kulay puting line sa may baba.
Karamihan ng mga dumalo sa exhibit ay mga sosyalin at high class. Amoy na amoy ko ang 'class' sa lugar na ito. Ngayon lang ulit ako makakadalo sa ganito. Hindi naman kasi ganun ka-interesado ang mga magulang at kapatid ko pagdating sa mga ganito. More on business at food industty ang interests nila.
Ako talaga ang naiiba sa kanila. Dahil mas interesado ako sa fashion, art and modeling. Minsan nga iniisip ko kung ampon ba ko. Haha. But like what my parents always say:
"You're just so special and unique. Tignan mo nga oh, kuhang-kuha mo sakin ang mga mata ko. Kuhang-kuha mo din sa Mama mo ang ilong, labi, at cheekbones."
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...