*****
Resume of classes na ngayon. Dahil January na din, ngayon na ang pasahan ng interview namin. And as for the thesis, sa February pa yung pasahan nun.
Sina Kristoff naman, balik OJT na.
As the year ended, I came up with a decision. Though hindi ko alam kung pano ko ikecarry out yung desisyon na yun, dadating din ang tamang oras para sa desisyon kong ito.
Free time ngayon at kasalukuyan akong nakaupo sa seat ko. Tulog naman si Lara kaya hindi ko na muna siya inistorbo ngayon. Sa kalagitnaan ng pag-iisip, inilabas ko yung phone ko at binuksan yung message na kakasend lang sakin nung December 31.
Tinignan ko lang yung message matapos ko itong basahin ulit. Actually, kahapon ko pa to binabasa. Hindi naman nila malalaman na hindi ko pa binubura to. Pwera na lang kung may kumalikot nitong inbox ko.
=====
From: +33 9 99 99 99 99
Happy New Year Juday!
=====
Unknown number man, pero alam ko na kung sino tong nagtext sakin overseas. Katulad pa rin siya ng dati, hindi ko pa rin maintindihan. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Aviegale.
"Oy Choc-nut," Nilingon ko si Lara na inaantok na nakatingin sakin habang nag-uunat unat pa. "Natulog ka ba?" Tanong nito sakin. Halos isang oras din kasi siyang nakatulog.
Umiling lang ako sa kanya. Sinilip nito yung phone niya. "Baba tayo. Gusto kong kumain." Pumayag naman ako tutal wala naman akong ginagawa dito kundi ang tumunganga.
Habang kumakain kami sa cafeteria, panay naman ang tingin ni Lara phone niya. Pag nararamdaman ko yung pagvibrate ng phone niya sa table, kinukuha niya naman ito tapos parang may tinatype siya. Buti pa siya may katext. Samantalang ako, wala. Hayyy.
"Ikaw ha. May nanliligaw na ba sayo at panay vibrate niyang phone mo ha?" Panimula ko. Kasi naman, kanina pa kami kumakain dito pero hindi man lang kami nag-uusap.
Napatingin siya sakin matapos niyang pindutin yung lock ng phone niya sa gilid. "Ano ka ba hindi no! Yung makulit ko lang na kapatid to. Wala na naman atang magawa." At pagtapos nun, hindi ko na ulit naramdaman yung pagvibrate ng phone niya sa lamesa.
"Alam mo naiinip na talaga ko sayo ha. Ang tagal mo kasing magkaboyfriend eh! Hanggang ngayon wala ka pa ring kinukwento sakin." Reklamo ko. Tumawa lang siya.
"Eh ikaw? Naiinip na din ako kung sino bang sasagutin mo sa kanila eh." Nakangisi niyang sabi habang hawak-hawak ang phone niya sa magkabila niyang kamay. "Relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw!"
Sumimangot ako dito, "Hay nako, Lara. Ilang buwan pa lang ba silang nanliligaw ha? Makasabi ka ng matagal dyan.."
Nagkibit-balikat ito at tumingin sa ibang direksyon, "Nakakainip na kasi." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong hindi nagsalita at hinayaan na lang ang sarili na kumain. I was starting to get restless that's why I was trying to open a conservation. Pero ngayon, bakit bigla na lang akong nanahimik?
Natauhan na lang ako nang biglang magvibrate tong phone ko. Napansin ko namang napatingin sakin si Lara pero saglit lang. Binuksan ko naman yung message.
=====
From: Fritz Castañeda
Hoy Judy! Ako talaga nagtatampo na sayo ha. Anyway by the highway, next next next week yung meet-up mo kay Monsieur Montagne. Kaya may ilang araw ka pa para maghanda. Bwahaha.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...