Chapter 66

6 1 1
                                    

*****

Pag-uwi ko, nagtaka ako dahil walang tao sa bahay. Tinawag ko si Mama pero yung kasambahay ang lumabas mula sa may store room.

"Ay Ma'am good evening po. Binilinan po ako nina Ma'am Josephine na pagkauwi niyo daw po, pakibasa na lang daw po yung note sa may ref."

"Sige po salamat." Pumunta ako sa kusina at kinuha yung memo na nakadikit sa may ref.

_ _ _ _ _

Princess,

May lakad kami ng Papa mo today, it's about work. As for your Kuya and Ate, may importante silang kliyente na pinuntahan. Since may lakad kami, sa kanila yun pinatrabaho ng Papa mo. And as for you anak, pumunta ka pala sa Bella Restaurant. Hinihintay ka ng kaibigan mong si Lara.

I love you, princess. Mag-iingat ka.

- Mama

_ _ _ _ _

Sinunod ko yung nakalagay sa memo at nagpadrive ako kay Manong sa Bella Restaurant. Pagdating ko dun, patay naman lahat ng ilaw pero nakalagay sa pinto yung pangalan ko. What?!

Since nakalagay yung name ko sa pinto, wala na kong ibang nagawa kundi ang buksan yung pinto out of curiosity. "Lara?" Tanong ko mula sa dilim.

Saktong pagtawag ko nun, may mga candles na biglang nagbukas. Red and pink candles to be exact. Mula sa paanan ko, paikot yung mga candles hanggang sa nagform ito ng malaking heart. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa pagkamangha. Biglang may spotlight na nagbukas sa may gitna at bumungad sakin si Kristoff na may dalang malaking bouquet ng red and pink roses.

"K-Kris.." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sa gulat.

Bahagya niyang inangat yung flowers at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis. "Happy Valentine's Baby."

*BOOOGSH*

Ouch! Hawak-hawak ang balakang ko, bigla na lang akong nagising dahil nahulog ako mula sa princess-size kong higaan. Oo partida princess-size pa yan!

Kinuha ko yung phone ko. Mabuti na lang at sabado ngayon. Papatayin ko na sana yung phone pero napatingin ulit ako sa screen ng phone ko. Oo nga pala, Valentine's Day ngayon.

Napasimangot ako nang bigla kong marealize na panaginip lang pala yun. Hindi ko masyadong matandaan dahil si Kristoff at yung mga bulaklak lang ang huli kong natandaan sa panaginip ko. Mas lalo tuloy akong napasimangot pero kaagad na napangiti. Today is Valentine's Day! Ayokong umasa pero aasa na lang rin ako, ng ako lang ang nakakaalam.

Next week na ang pasahan ng final paper kaya naisipan kong maligo na at magbihis para makakain na sa baba. May agenda din ako ngayon.

Si Ate lang ang nakasabay ko magbreakfast dahil umalis na sina Papa. Nang tanungin ko si Kuya, tulog pa daw ito.

Naging busy siya nitong mga nakaraang araw kaya sobrang nalulungkot ako ngayon dahil hindi na kami masyadong nagkakausap ni Kuya. I felt bad lalo na pag naaalala ko yung mga warnings niya sakin tungkol kay Kristoff. Nakakalungkot isipin yun, lalo na't magkaibigan din silang dalawa.

"Ate Julia," Inalis naman niya ang tingin sa Iphone at nilingon ako. "May lakad ka ba today?"

"Hmm, wala naman. Why?"

"Samahan mo naman ako sa mall. May bibilhin lang."

"Okay." Nagpasalamat naman ako at itinuloy na ang pagkain. Tinignan ko si Ate. Hmm, tutok na tutok siya sa phone niya ngayon ah. I smell something fishy.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon