Chapter 44

8 1 0
                                    

*****

Wednesday

Mukhang namiss sila ng coach nila at halatang-halata din dahil mukhang namiss din nila ang magtakbuhan sa court.

Taga-ibang university ang kalaban nila at syempre, papatalo pa ba ang apat na yan? Naipanalo lang naman nila ang game.

After ng game, nagkayayaan kami na kumain sa paborito naming restaurant. Ala-singko na din naman kaya tapos na ang mga classes namin. Pero sina Vani at Carla, hindi na pinasukan ang last subject nila sa pagdadahilan na minor naman daw nila yun. Oh di ba? Ganyan nila kami kamahal. Haha.

And as for the boys, nagduty na din naman daw sila kaninang umaga at ang maganda pa ron, makakapagtraining pa din sila ng Basketball. According to them, nagpakasasa na muna sila sa OJT para lang mahiling sa Papa nila at sa coach na payagan silang sumali pa rin sa team. Luckily, pinabigyan sila. Masaya kami para sa kanila dahil alam namin kung gaano kahalaga sa kanila ang Basketball. Dyan sila nabuo eh.

Habang nagbabonding kami, pulos asaran din ang naririnig ko sa kanila. Ang pasimuno? Sina Carla at Lara. And as for Kristoff?

Casual lang siya sakin. Before the game, ginulo niya ang buhok ko at sinabi niya sakin ang 3 words.

"Namiss kita Chaks."

Oo, yan. Wala ng iba. And then after nun, hindi niya na ko ganung pinapansin, pero hindi ibig sabihin nun ay iniiwasan niya ko.

He's being casual and I don't seem to like it.

Nakikipagtawanan lang siya kina Lewis at kahit anong gawin kong pagsulyap sa kanya, ni hindi na ulit nagtama ang mga mata namin.

Other than that, masaya naman ako ngayon dahil nagkasama-sama ulit kami. Kami lang halos ang may masiglang grupo sa restaurant pero hindi naman kami pinapagalitan dahil kilala na kami dito. We've been eating here for almost 3 years.

Tsaka haler, kilala ng family ni Lara ang may-ari nito.

After naming kumain, nagkayayaan na din silang umuwi dahil gabi na din. Justin offer a ride to take me home, pero tinanggihan ko yun dahil mapapalayo siya pauwi sa kanila. It's almost 9pm at ayoko namang umabot pa siya ng ten or eleven sa kalsada.

"Yieee, ang sweet naman." Puna ni Carla after I told that to Justin.

"In that case," He looked at Kristoff. Mga ilang segundo silang nagkatinginan bago ulit magsalita si Justin. "Ihahatid ka ni Pakner. Tutal magkalapit lang naman kayo ng bahay di ba?" Tinignan niya ko at nabigla ako nang halikan niya ko ng matagal sa noo. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko. He's too sweet.

"Mag-iingat kayo, okay?" Napatango na lang ako at nakatingin lang sa kanya. He gave me a lovingly smile bago siya lumayo sakin.

Nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa. Hindi ako mapakali dahil sa idea na kami talaga ni Kristoff ang magkakasabay pauwi. Saming magbabarkada, kami lang naman ang may iisang way ng bahay at nasa iisang village.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang nagwawala kong dibdib--as in puso pala. Psh.

Walang nagsasalita samin habang pauwi na. Ni hindi niya nga man lang ako pinagbuksan ng pinto. Psh. Kahit kelan talaga, buti pa si Justin.

Si Justin kasi sweet! Tsaka nililigawan ako..

Hayyy.

Nabigla na lang ako nang biglang tumugtog yung radyo niya. At ang matindi pa dun, Bestfriend by Jason Chen pa yung pinapatugtog.

Palihim ko siyang tinignan pero kalmado lang siya sa pagdadrive. Samantalang ako, kanina pa hindi mapakali. Sabagay, bakit ko ba ineexpect na gusto niya din ako para maramdaman niya din yung nararamdaman ko?

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon