Chapter 40

9 1 0
                                    

*****

Three days.

Tatlong araw ng busy yung mga boys sa OJT nila. Tatlong araw ko na ding hindi nakikita si Kristoff. Napasimangot ako nang maalala ko na naman siya.

"Kinakain yan Choc-nut, hindi tinititigan." Rinig kong sabi ni Carla, katabi ko siya ngayon.

"Baka madurog pa yan, nako, baka ikadurog ng puso ni Justin yan. Hahaha." Dagdag naman ng isa pang katabi ko, si Lara. Kay Justin daw kasi galing tong Choc-nuts, inabot lang sakin ni Lara.

Dahil first week pa lang ng second semester, hindi pa regular ang mga classes. Nagkataon na vacant naming lahat. Sina Vani at Carla, iniwanan daw agad ng trabaho kaya baka bukas, magiging abala na naman sila.

Hays, tatlong araw pa lang, pero namimiss ko na si Kristoff.

"Ang sweet talaga ni Papa Justy no? Talagang nagpa-abot pa sayo ng Choc-nuts para kay Judith."

Ano kayang ginagawa ni Kristoff ngayon? Isa't kalahating oras pa naman bago maglunch. Gutom na siguro yun. May pagkamatakaw yun eh. Haha.

"Oo nga eh. Dinaanan niya pa ko sa bahay para lang iabot yan. Good thing nadadaanan niya yung bahay namin bago lumabas ng village."

Kailan kaya ulit siya pupunta samin? Siguro hindi naman na siya busy mamayang gabi?

"Grabehan ha. Sweet na nga siyang tao, sweet pang manliligaw. Hayyy. Tuwang-tuwa siguro ang mga langgam."

Hay nako Judith. Wag mo na nga siyang isipin. Eh sa busy nga yung tao di ba? Wala ka ng magagawa dun.

"Kailan kaya balak sagutin ni Judith si Justin? Bago siguro magpasko no?"

Gusto ko din kasi siyang tanungin kung bakit sinabi niya kay Justin na may lakad ako nung Tuesday kahit magkasama naman kami nun.

"Ano Judith? Kailan mo nga ba sasagutin si Justin?"

Napaangat ako ng tingin at nagtatakang tinignan sina Carla at Lara. Sino bang kumalabit sakin?

"Anong meron?" Tanong ko. Nakatingin kasi silang lahat sakin.

"Are you okay, Choc-nut? Kanina ka pa kaya pinag-uusapan nina Lara." Nakapout na sabi ni Loisa.

"H-Huh?" Kailan nila ko pinag-usapan? Parang wala naman kasi akong narinig.

"Hanla. Lutang ka gerla. Why why why?" Pag-uusisa ni Carla.

"Ha? Ah eh. Gutom lang siguro. G-Gusto ko ng kanin." Hindi pa kasi kami bumibili.

"Talaga? Eh yung Choc-nuts pano?" Tanong ni Lara. Tinignan ko yung Choc-nut. Strange. Hindi ako masyadong natatakam.

"Kakainin ko na lang after ng kanin." Sabi ko na lang.

Tahimik lang akong kumakain habang abala sa pagdadaldalan sina Carla. Ni hindi ko nga masyadong maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. I'm not even in a mood to talk that much.

---

After magpapasa ng index card nung prof namin, nagpadismiss na agad siya kaya free time na naman. Nagpaalam si Lara sakin dahil kailangan daw siyang kausapin ng coach niya sa Volleyball. Naisipan ko namang tumambay sa garden ng school namin, malapit sa lugar kung san namin sinorpresa si Loisa last month.

Nakakamiss din palang maglaro. Kaso hindi na talaga ko pupwede sa mga ganun. I need to prevent myself from getting sick. Balita ko pa naman hindi basta-basta nakakalipad ng ibang bansa ang may mga malubhang sakit. Mahirap na kung ganun.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon