*****
Judith's POV
"Woooohhh! Palawan here we cooome~!"
"Tapos na din ang hell week! Hayahay na muna. Hahaha!"
Hila-hila ko ang Racini 3013 hard case na may background na kulay puti at may design na autumn leaves, nakasimangot at padabog ko itong dinala palabas ng bahay namin.
Tamang-tama din yung design ng luggage ko dahil October naman, which is autumn season sa northern countries. Sa south naman for sure spring.
May buhat din akong Victoria's Secret overnight duffel bag na ack and white kung san nakalagay yung essentials at personal belongings ko.
I'm wearing a blue dress na may abstract na design tapos black pointed flat shoes. Nakalugay lang ang buhok ko and I put some light make up. Simpleng powder lang at EOS lip balm.
"Kunwari ka pa Choc-nut. Eh mukhang pinaghandaan mo pa yung get up mo eh. Ayaw mo pa sumama ha." Pang-aasar sakin ni Lara. Totoo namang pinaghandaan ko tong lakaran namin. Nagshopping pa nga kami di ba?
Bigla lang kasi akong nawalan ng gana sumama.
Psh. Sino ba naman kasing gaganahin pag may kasama kang nanira ng araw mo kahapon??
Bago ko pa masabunutan si Lara, tumatakbo na siya papunta sa likod ng van sa tapat ng gate namin.
"Bwiset talaga." Bulong ko habang padabog na hinihila-hila yung maleta ko.
"Judith! Pasalubong namin ha. Kay Mama daw kahit long dress na pangbeach lang!"
"Pang-apat na ulit mo na yan Ate!" Naaasar kong sabi. Narinig ko lang siyang tumawa. Tuwang-tuwa purkit bv lang ako ngayon. Oo alam niya, ate ko yan eh.
"Mag-iingat kayo dun anak. Pababantayan kita kay Kristoff." Okay na sana eh. May dinagdag nga lang ni mama sa huli. "Ma! Di na ko bata para ipabantay mo pa. Psh." Kung di lang ako inis kay Kristoff, matutuwa pa ko sa idea na yun. Kaso hindi ngayon!
"Eh basta anak!" Kulit ni mama. :3
Bubuhatin ko na sana yung maleta ko papasok sa likuran ng van nina Luigi nang magulat ako dahil naangat ko to ng wala masyadong pwersa.
Kelan pa ko lumakas? Si Hulk na ba ako o sumanib lang siya bigla?
Pagka-angat ko ng ulo ko, si Justin pala yun. Eh di ikaw na si Hulk.
"Pinapangunahan na kita, maganda ka eh. Kaso mukhang pinagsakluban yung mukha mo ngayon. Ayos ka lang ba prinsesa kong napakaganda?" Imbis na maasar, bahagya akong napangiti.
Kahit saang sitwasyon, he never fails to make me smile.
"Ayos na ko." I just told him.
Pagka-ayos ng mga maleta naming lahat sa likod, sumakay na din kami sa loob. Kumpleto na pala kami dahil ako yung huling dinaanan.
Sa tabi ng driver's seat nakaupo yung driver nina Luigi syempre. Tapos katabi ng driver si Luigi. Sa likuran nila nakaupo kaming mga babae, tapos sa likod namin yung mga boys, including Carla.
Text pala ng text sakin si Fritz, nakailang missed calls din siya. Pero ni isa wala kong sinagot.
Oo wala naman siyang maling nagawa sakin. Ayoko lang munang maalala yung nangyari kahapon. Birthday ni Luigi bukas, tapos kasama ko ngayon yung mga kaibigan ko. I should enjoy this first.
Nagpaalam na sila kina Mama at pinaandar na din nila yung van.
"Swerte mo Lewis ha. Hindi ka napagtripan ng birthday boy. Akala ko ikaw magdadrive ngayon eh." Sambit bigla ni Justin.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...