*****
Judith's POV
"Judith wag ka nga umiyak dyan. Marinig ka pa nila Papa. Sige ka." Hinagod-hagod ni Ate yung likod ko. Pero patuloy lang ako sa pag-iyak.
Napaka-iyakin ko talaga pero masama din sakin to eh.
"Hindi nila maririnig yan. Nag-aaway nga sila oh." I told her between my sobs.
"Kaya nga kita pinauwi para hindi ako ganong mag-alala. Kaso nakalimutan ko, iyakin ka pala." Sino bang hindi maiiyak kung yung mga magulang mo nag-aaway na naman tapos kanina pa ko nakakarinig ng kalabog. Pero hindi namin mabuksan yung pintuan. Narinig pa nga naming nagsalita si Mama na wag daw kami makialam dito. Mas lalo kaming nag-aalala.
Ang lalaki na namin pero ayaw ni Mama na makielam kami sa away nila na first time lang ata nangyari.
"Ate naman eh! Asan na daw ba si Kuya?" Tanong ko na lang. Sinilip nito yung phone niya. "Oh ayan na pauwi na daw siya." Biglang sabi ni Ate matapos kalikutin yung phone.
Bumaba kami para masalubong si Kuya.
I tried my best to wipe my tears para hindi makita ni Kuya pagdating niya.
Maya-maya, narinig ko na yung busina ng sasakyan.
"Kuya!" Bati ko pagpasok niya sa loob.
"Nasa lib pa rin ba sila?" Tanong niya. Tumango kami, "Nag-aalala na kami Kuya. Dalawang beses na to. Pigilan mo sila Kuya.." Sabi ko dito. Hinalf hug niya ko.
Kanina daw pala, kinuwento sakin ni Ate kung anong nangyari kaninang umaga nung maaga akong umalis.
Flashback
Julia's POV
"Ay Ma'am Julia, good morning po." Bati sakin ng isang yaya dito na naglilinis sa may hagdan. "Good morning Yaya." Bati ko nang makababa na ko. Tahimik sa bahay. Yung mga yaya namin naglilinis na. Nasan kaya sina Mama?
Nang makarating ako sa dining area namin, nagtaka ko dahil mga nakatakip na pagkain at mga nakahandang plato lang ang nadatnan ko sa dining table. Usually kasi naaabutan namin si Mama na nagluluto pa. Pero mukhang maaga siya nakapagluto.
"Ang aga magluto ni Mama ah." I blurted out.
"Ano po Ma'am. Maagang-maaga po siyang nagising at kakaalis niya lang po." Nilingon ko yung y. aya namin na naka-assign din dito sa dining area.
"San daw siya nagpunta?" Tanong ko.
"Wala pong sinabi. Basta sinabihan daw po namin kayo na kumain pagkagising." Sagot lang niya.
"Si Papa?" Umiling ito.
"Hindi pa po nababa, pati rin po si Sir Julian."
"Eh si Judith?"
"Wala na po sa kwarto niya." Maagang umalis si Judith? Kadasalan ako pa nanggigising dun eh.
Sinilip ko yung orasan, "Papasok na ko Yaya. Malelate na kasi ako. Pakihanda yung sasakyan ko." Agad naman itong tumango.
Sa favorite restaurant ko na lang ako kakain. Hindi ako sanay kumain samin pag di kami sabay-sabay.
Gusto ko din sanang makausap si Papa tungkol sa kanila ni Mama kahapon. Hindi din kasi sila nag-iimikan.
Nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...