#JudiKrisLastMoment
*****
"Uy Chaks!" Natigil ako dahil dun pero hindi ko siya hinarap agad. "San ka pupunta? Tara na't ihahatid kita." Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Ano to? Bakit bigla siyang bumalik sa dati? Bakit ngayon lang?!
Bakit ngayon pa?Hindi ko siya pinansin at nagmadali na sa paglabas ng gate. Naguguluhan na ko sa nangyayari kaya hangga't maaari gusto ko munang mapag-isa. Magtaxi man ako o magbus, I don't care! Basta gusto ko munang mag-isa.
Nagitla ako nang may biglang bumusina sa likod ko. Nasa sidewalk naman ako kaya wala namang dahilan para tumabi pa ko. Paglagpas nung sasakyan sakin, nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko yun at lumabas dun si Kristoff na ngayo'y nakatingin na sakin.
"Baliw ka talaga Chaks. Balak mo na naman bang lakarin mula sa inyo hanggang KSNU?" Tinignan ko lang siya at hindi sumagot. "Ano pang hinihintay mo dyan? Sakay ka na kasi dito!"
Naiiyak ako sa inis. Hindi dapat. Hindi dapat sa harapan niya.
Biglang nagbago ang masayahing expression ni Kristoff at napalitan ito ng pagkagulat. Unti-unti itong lumapit sakin na ikinaalarma ko.
"I hate you!!!" Sigaw ko sa kanya. I spat it on his face. Hindi ko inalala kung nasan kami ngayon at basta na lang siyang sinigawan. I don't care anymore.
"I hate you for doing this! For being like this!" Inis kong sabi sa kanya habang patuloy pa din sa pag-iyak. "You jerk. Akala ko iniwan mo na talaga ko.."
I also hated myself for being like this in front of him. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I didn't know what to do anymore. Pati emosyon ko, hindi na alam kung ano bang dapat na maramdaman. Hindi ko naman kasi siya inaasahan ngayon. Kung alam ko lang, sana napaghandaan ko to.
Maliban sa bestfriend ko siya at nasanay na kong palagi siyang nasa tabi ko at kakampi sa lahat ng bagay, ganito ko na ba talaga siya kamahal para maging ganito ka-apektado sa ginawa niya sakin?
Before I knew it, I was already sitting on the floor, umiiyak habang mahigpit na yakap ni Kristoff. I was crying in his shoulders.
"Sorry.." Rinig kong sabi ni Kristoff. "I'm so sorry.. Come on, hit me as much as you want. I'll take it. If that's what it takes to calm you down." Hinawakan niya yung kamay ko. "Do it, then."
Sinapak ko siya sa dibdib niya. Isa, dalawa, mga sampung beses hanggang sa sumakit na ang mga kamay ko at mapagod na ko sa ginagawa ko. "Jerk. You're such a jerk.." ..and I still love you so much.
---
Nakita ko na lang ang sarili ko na buhat-buhat na ni Kristoff. He was smiling at me habang ako naman ay nagpapanic. Nakatulog ata ako.
"K-Kristoff. Nasan ako??" Tanong ko sa kanya. Dapat nasa school ako! Jusko, anong oras na!
"You fell asleep bago pa kita maihatid sa school. Alangan namang iuwi kita agad eh di nagtaka ang parents mo. That's why I brought you here. Besides sariwa ang hangin dito." Tinignan ko yung tinitignan ni Kristoff at napaawang ang bibig ko sa nakikita ko ngayon. Nasa itaas ata kami ng city.
"A-Asan tayo?" Bigla kong tanong sa kanya.
"Between heaven and earth." Before I could even realize it, napingot ko siya sa tenga gaya ng ginagawa ko noon. Napa-aray naman siya sa ginawa ko at natawa pagtapos. "Between QC and Rizal. Beautiful, isn't it?" He's right. It was so beautiful. I've never been here.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...