*****
Judith's POV
Lunch time
Tanghali na, but I'm expecting na may iluluwa yung pintuan. Pero wala pa din hanggang sa matapos na kong magbreakfast at lunch.
I want to check my phone. Pero wala akong makitang gamit ko dito.
"Aah, Shoks. " Kaagad niya kong nilingon. "Asan.. sila?" Ilang segundo bago niya ko nagets. Naupo siya sa kabilang side ko.
Si Justin nasa opposite side ko tapos sa likuran niya nandun sina Luigi at Loisa na nakaupo sa isang mahabang sofa at sa likuran nila ay isang malaking bintana na may manipis na curtain. Sa harapan ko naman sina Vani, Lara, Jolene, Lewis, at Carla na mga nakaupo sa isang dining area dun habang kumakain sila ng lunch.
May mini kitchen sa tabi ng dining area, which is nasa further front ko. Then CR sa left side nun. May LCD din sa left side ng mahabang sofa.
Sa side table ko na katabi ni Justin, may fruits, flowers, and Choc-nuts. Tapos sa tabi naman ni Kristoff, may lamp shade.
Nakalimutan ko palang itanong kung kelan ako makakalabas dito. Sila Kristoff, kagabi pa pala nandito nung di pa ko nagigising.
"Mamayang hapon pa sila Chaks. Mamaya din dadating yung doktor para i-check ka." Tumango-tango ako at sumandal pa lalo sa unan. Medyo nanghihina pa ko. Kakainom ko lang ng gamot kaya nakakaramdam na naman ako ng antok.
"Kamusta, sila?" Tanong ko. Kinakabahan ako sa sagot ni Kristoff sa kadahilanang ayokong makarinig ng di magandang sagot mula sa kanya.
"Kagabi, nung dumating kami at di ka pa gising nun, naabutan ko silang nag-uusap sa labas ng room." Sagot niya. "Hindi ako makapaniwalang nag-away sila for the first time."
Tama siya. Kahit din kami hindi makapaniwala.
"A-Alam mo ba kung bakit sila nag-away?" Kinakabahan kong tanong muli.
Umiling siya. "Magpahinga ka na."
Umiling din ako. "Shoks naman eh. Okay lang ako. Kaya sabihin mo na sakin."
Nagegets ko din naman siya. Ayaw niya lang na mag-alala ako. Pero wala na, nag-aalala na ko ngayon.
"Ate mo na lang magsasabi sayo. Hindi ko alam kung tama yung pagkakaintindi ko eh."
Napapikit na lang ako at pinilit na huminga ng maayos.
Hindi na ko nakapagsalita dahil hinila na ko ng matinding antok.
Kristoff's POV
"Pakner. Pwede ba tayong mag-usap saglit?"
Napatigil si Justin sa pag-aayos ng kumot ni Judith habang mahimbing itong natutulog. Kailangan niya ng maraming pahinga.
Napansin niya sigurong seryoso ako kaya pumayag na lang siya.
"Sige ba." Yun na yung hudyat ko para tumayo. Napalingon naman silang lahat samin, "Pakibantayan na muna si Judith." They all nod in unison at naglakad na ko papunta sa pintuan.
Huminto ako sa tahimik na hallway ng ospital, malayo sa room ni Judith. Naupo ako sa may waiting area dun.
"Ano pag-uusapan natin?" Tinignan ko siya.
"Brad, may gusto ka ba sa bestfriend ko?" Walang paliguy-ligoy kong tanong.
Katahimikan ang narinig ko matapos kong tanungin yun.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...