Chapter 60

13 1 0
                                    

*****

Pagkarating ko sa restroom, wala sa sariling nailapag ko ang bag ko sa may sink at natulala na lang sa isa sa mga apat na salamin. Both of my hands were placed on the marble sink.

I knew what I just saw back then. May something. Hindi ko lang masiguro kung ano at kung tama ba ang naiisip ko.

Natitigan ko ang mga mata ko sa salamin at parehong mukhang pagod ang mga ito kaya binuksan ko ang gripo at naisipang maghilamos. Sinigurado kong magigising ako sa tubig and then after that, I wipe my face with the hankerchief I have.

May ilang minuto pa bago ang next class ko kaya naisipan kong tumambay na muna sa rooftop. Pumwesto ako malayo sa may railings at sumandal ako sa may pader malapit sa may pinto. Naupo ako dun at isinandal ang ulo ko sa likod.

Mas naging hindi maganda ang pakiramdam ko nang masaksihan ko ang nangyari kanina. Pakiramdam ko ako ang may dahilan kung bakit pareho silang umiiyak. Naiisip ko pa lang yun, I feel worse on myself.

I'm not sure kung papasok si Lara mamaya dahil nandito naman siya sa school ngayon at naka-uniform pa. Just thinking about it, kinakabahan na naman ako na hindi ko maintindihan. Naalala ko kasi yung huli naming pag-uusap. First time akong tignan ni Lara ng ganun kaya bago talaga iyon sakin. Will she give me the same look later?

Maaga akong pumasok ng room sa kadahilanang gusto kong maunahan si Lara. Mga ten minutes before 2pm pa naman ang hihintayin. Medyo onti pa lang ang mga tao at gaya ng inaasahan, hindi ko pa naman nakikita si Lara sa loob dahil laging ten minutes after yun pumapasok ng room. Naupo ako sa usual place namin at nagbasa-basa na muna sa binder ko.

Ten minutes after two na pero wala pa din si Lara pati yung prof namin. Marami na din kami sa room pero hindi yun dahilan para maupuan nila ang pwesto ni Lara.

Kasunod lang ni Lara yung prof nang pumasok sila sa room. I sat up straight, hinihintay na maupo siya sa pwesto niya. Eto na lang naman ang bakante sa loob ng room kaya inaasahan kong dito siya uupo sa tabi ko. Normal ang itsura niya ngayon at hindi halatang nanggaling sa iyak. Pero dahil hindi siya nakangiti hindi katulad ng dati, she looked different for me.

Mabilis na pagkakaupo at paglapag ng bag ang ginawa ni Lara at straight lang itong nakatingin sa harap. Nakatingin lang ako sa kanya, naghihintay na magsalita o kahit lumingon man lang siya sa gawi ko. Pero lahat ng yun nawala sa isip ko nang magsimula ng magsalita yung prof. Wala tuloy akong choice kundi ang makinig.

Buong klase, walang kibo si Lara. Nagpasahan na ng interview at lahat pero wala pa ding nangyari. It's like we didn't know each other. Hindi ako mapakali dahil dun. Hindi lang kasi talaga ko sanay na ganito kaming dalawa.

Pagtapos ng dalawa naming klase, mabilis din ang pagliligpit na ginawa niya kaya minadalian ko din. Mabilis ding humupa ang mga tao sa room kaya halos kaming dalawa na lang ang nasa pwesto namin. Gawain din namin madalas ang magpahuli na lumabas ng room kesa makipagsiksikan lumabas.

"U-Umm, Lara.." Pabulong ang naging pagtawag ko sa kanya pero sigurado akong enough yun para mapalingon siya sakin. Tahimik na sa room at halos kami na lang ang nandito.

"Lara.." Nilaksan ko ang boses ko pero mas bumilis lang ang pag-aayos niya ng gamit niya. This time, sigurado akong narinig niya ko.

"Lara galit ka pa rin ba sakin?" This time, natigil siya sa ginagawa niya pero hindi pa rin niya inaangat ang tingin sakin. Nahigpitan ko tuloy ang hawak ko sa bag ko ng di ko namamalayan.

Ramdam ko ang katahimikan sa room pero hindi ako nagpaapekto. "Sa totoo lang, hindi ko masyadong maintindihan kung bakit ka nagalit sakin. Pero sana, kausapin mo man lang ako." I felt a lump between my throat at parang anytime, iiyak na naman ako. Huminga ako ng malalim para pigilan iyon.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon