Chapter 42

10 1 0
                                    

*****

"Thank you sa pagpunta." Nanatili lang akong nakangiti habang papalabas kami ng mansyon nila. "You made my wife happy."

Hinarap ko siya at nginitian, "You don't need to thank me. Nag-enjoy din naman ako." He grinned at me.

"Oh yeah? Kahit na namumula yang pisngi mo?" Wala sa sarili akong napahawak sa pisngi ko na ikinangiwi ko naman. I heard him chuckle. "I'm really sorry about that, Maria. Masyado niya atang napanggigilan yang pisngi mo."

"Ano ka ba Kylon! Hindi naman siya namamaga kaya okay lang." Pinaningkitan niya lang ako ng mga mata and I just smile. Nag-enjoy naman kasi talaga ko ngayon.

"Ihahatid kita, okay? Queen's orders." Nilapitan niya yung sasakyan niya.

"Hindi na kailangan." Pagtanggi ko.

"But I insist, Maria."

Umiling-iling lang ako sa kanya. "No need, okay? Magpapahatid na lang ako sa driver--"

"Ihahatid kita." Binuksan niya na yung pinto at no choice naman ako dahil hinawakan niya ko sa balikat para maipasok sa loob. Mabilis na umikot ito para sumakay sa driver's seat. "We'll talk about something." Kunot-noo ko siyang tinignan pero nagfocus lang to sa pagpapaandar ng sasakyan.

Papalabas na ulit kami ng property nang magsalita na ulit siya.

"So, Lorenzo has been courting you for let us say, for already a long time." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ko nang banggitin niya iyon. So alam na niya?

Nakita ko ang pagsimangot niya. Hindi ko pa rin napigilan ang bahagya kong pagngiti. "Hindi mo man lang sinabi sakin."

"Why would I tell you? Busy ka na kayang tao." He only scoffed.

"Atleast alam ko na. I'll talk to him sooner." Nagpantig naman ang tenga ko dun.

"Kylon!" Tumawa lang siya.

"What? Di ba sabi ko naman sa iyo nun? Na kung sinumang manliligaw sayo, kikilatisin ko? Tsk."

"Sus. Baka kung ano pang gawin mo sa kanya no." Knowing him, hindi imposible yun.

"Whatever you say, Maria." He briefly took a glance on me before facing the front, "That won't stop me from having a word with him." Natahimik na lang ako. I know he's not the old guy from before, I guess? Sabi nga nila hindi basta-basta nagbabago ang tao.

"And here I thought you and 'Toff are together now." He paused. "The reason why I let you go." Unlike before, gumaan na ang loob ko nang sabihin niya yun. It's already been a long time kahit papano. Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi na ko nakakaramdam ng awkwardness pag sinasabi niya yun o kung anumang related dun.

"At eto, malalaman ko na lang na naunahan pa siya. Haha. Funny dahil kaibigan niya pa." Iiling-iling niyang sabi. Nag-isip ako ng pwedeng sabihin. Alam kong hindi ko siya mapipigilan sa pagsasalita niya.

"Pa-Pano mo pala nalaman?"

"Source." Mabilis niyang sagot. "What are your plans, Maria?"

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot. Kahit papano'y nahihiya pa rin ako na sabihin sa kanya lalo na kung--ugh.

"Dunno." Tipid kong sabi. I suddenly felt empty--dahil wala kong masagot sa kanya.

"Tch. How about this?" He paused again for awhile. "Do you like Lorenzo?" Naramdaman ko na lang yung puso ko na kumabog. Ilang beses na ba yang tinatanong sakin? Pero hanggang ngayon, wala kong makapang sagot.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon