*****
Iilang tao na ba ang nakausap ko tungkol dito?
Can't count. Alam naman kasi nila na inexperienced ako eh. At mahalaga din sakin ang mga words of wisdom nila.
Hindi dun natapos ang pag-uusap namin ni Ate. Hindi na din ako nagdalawang-isip na mag-open sa kanya nung tinanong niya na ko ng deretsahan. It felt great, actually. Masaya ko dahil naiintindihan ni Ate yung nararamdaman ko. I feel blessed to have that kind of sister.
It's already the second Monday of our semester. Pinilit kong magconcentrate sa mga discussions. Nagtagumpay naman ako dahil regular classes na at marami na ding pinapagawa samin. Hanggang sa tuluyan kong naalis si Kristoff sa isip ko dahil sa inannouce ng mga prof namin.
"Thesis writing about hotels and buildings and how it affects the environment, tapos, uhh.." I heard the tap of her pen matapos nyang magsulat.
I groaned bago ko siya kausapin. "An article about your chosen managers that runs a certain business, and how they manage their workforce."
"Ay oo nga!" Sinulat niya na muna ito. "Principles of Management ba tong article? Mr. Quimoy?" I hummed in response. Paperworks na naman.
Pagsapit ng lunch, pinuntahan kami ni Loisa sa room namin. Nagtext din saming tatlo si Carla, nagyayayang kumain sa drawing room dun sa building nila. May mga pagkain na daw kaya wag na daw kaming bumili.
Pagkarating namin dun, sila lang dalawa ang tao at may mga pagkain na nga sa isang long table malapit sa kanila. Lumapit naman agad kami nang mapansin na nila kami.
May dinodrawing si Carla sa may canvass--which I learned from him tapos si Vani nasa isang table at may dinodrawing naman sa isang malaking drawing pad.
"Ganda nyan ah." Puna ko sa ginagawa ni Carla. Sketch pa lang pero pansin ko na agad yung skills niya. Isang malaking mansyon ang dinodrawing nya at mukhang onting stroke na lang ng pencil, pwede na niyang bigyang-kulay yung sketch.
"Thanks, Choc-nut." Nagpatuloy lang siya sa pagdodrawing. "Tingin mo girl, ayos ba ang color pink dito?" Inimagine ko naman ang kulay pink sa exterior ng bahay.
"Ayaw mo white? Bakit naman pink Carla?" Pagtatanong ko.
"Ayaw mo pink? Bakit naman white, Choc-nut?" Napanguso ako sa tanong niya.
"Mas maganda pag white."
"So ugly pag pink ganern?"
Naupo ako sa tabi niya, nakasandal kasi ako sa table habang nakatayo. "Hindi sa ganun. Maganda rin ang pink pero mas maganda kasi pag white."
Nakita ko siyang ngumiti.
Kumain na kami at napansin ko ang pagiging gloomy ni Loisa. Siniko ko si Carla para ituro ang mukhang sinusumpong na si Loisa. "Baby girl, what's wrong?" Tanong naman ni Carla.
Malungkot lang itong nakatingin sa malayo, "May namimiss lang." Nagkatinginan kami ni Carla at nagkatanguhan na lang. I'm sure pareho kami ng naiisip.
"Don't worry," Inakbayan ni Lara si Loisa. "Ang alam ko, pupunta sila dito sa isang araw. Maglalaro ata." Sabay kami ni Loisa na napatingin kay Lara. Ano na naman bang alam nito ni Lara?
"Really??" React ni Loisa.
"Yup. Manunuod pa nga si Jolene eh."
Nagpout si Loisa, "Bakit hindi ko alam? Si Kuya kasi wala namang nasasabi sakin eh."
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...