Chapter 41

5 1 0
                                    

*****

Hindi na naman ako makatulog.

What had happened was the least thing I've expected from that guy!

Ayan! Napa-english tuloy ako.

Nasagot lang naman ni Fritz ang mga tanong ko, kahit na yung pang-apat. Pero ngayon, napapaisip pa din ako.

Isa lang naman ang ayokong mangyari eh. Yun ay ang masaktan ko si Justin. He's too sweet to get hurt.

"Alam ko, at alam mo rin kung sino ba talaga ang nagpapatibok dyan sa puso mo."

Napapikit na lang ako kasabay ng paghugot ko ng hininga.

Hindi ko maintindihan. Pareho silang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Kahit sinabi ko nun kay Vani na wala naman talaga kong dapat piliin kina Justin at Kristoff dahil si Justin lang naman ang may nararamdaman sakin, hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Kristoff.

Lalo na nung mga times na nakakasama ko siya, nung niyakap niya ko, nung kumanta siya, nung nagstar gazing kaming dalawa, nung pinuntahan niya ko dito sa bahay. There were some words from him that made me hold back. Na kahit sabihan ko ang sarili ko na balewalain tong nafifeel ko sa kanya, pakiramdam ko, mas lumalala lang lalo na sa tuwing kasama ko siya. Na mas lumalala lang pag pinipigilan ko ang sarili ko.
Pag hindi ko naman siya kasama, siya pa rin ang naiisip ko. There's no way out.

Baka ikabaliw ko na ata to.

The next morning, si Mama ang gumising sakin at hindi si Ate. Katulad nung tatlong araw, wala ng nag-aabang sakin sa labas ng bahay. Kahit si Kristoff wala. Sa halip na magpahatid ako sa driver katulad kahapon, sinabay na ko ni Mama.

"Nasan na yung manliligaw mo, princess? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita ah." Tanong ni Mama habang nasa sasakyan kami. Si manong ang nagdadrive. Siguro hindi na naman pinayagan ni Papa na magdrive si Mama.

"B-Busy lang po sa OJT." Sabi ko naman.

"Ganun ba? Sa susunod na may oras siya, sana maimbita ulit natin siya for dinner." Nakangiti pa niyang sabi.

Hinalikan ko si Mama sa cheeks niya bago ako lumabas ng kotse namin. Naglalakad na ko papunta sa building namin nang makasabay ko si Loisa. Iisang building lang naman kami.

"Hello Choc-nut!" Niyakap niya ko sa bewang ko at humahagikgik pa to.

"Good morning, Loisa-bebs. May class ka na?" Tanong ko habang naglalakad kami.

Bumitaw na ito sakin, "Yups. Major subject agad." Nakapout pa nitong sabi. "Hindi mo ata kasabay si Lara ngayon?" Tanong naman nito.

"Oo nga eh. Baka nandito na din yun sa school." Tumango-tango siya. Minsanan ko lang din naman kasi nakakasabay si Lara dahil nga sa opposite yung way namin. Mapapalayo ako pag nagsabay kami ni Lara.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na hindi kasabay si Kuya." Malungkot niyang sabi.

"Masasanay ka rin. Kung hindi lang opposite yung way natin, sana nakakasabay kita ngayon." She gave me a sweet smile at sinuklian ko naman iyon. Biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya na parang may naalala siya bigla.

"Oo nga pala, Choc-nut. Last night, Kristoff went to our house." Para ata kong nanlumo. Eto ata ang nakuha ko sa kakaasa kagabi na sana pumunta siya samin.

"G-Ganun ba? Kamusta naman siya?"

"Yeah. Come to think of it, ilang araw na silang busy." She sighed, "Umalis sila ni Kuya eh. Nagbar ata." Mas lalo ata kong nanlumo sa narinig ko.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon