Chapter 58

5 1 0
                                    

*****

"Ano? Iiyak ka din?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at basta na lang din akong naiyak. Yumakap ako sa kanya kahit alam kong sasabunutan niya ko pag binasa ko yung damit niya.

"Kasi naman eh. Di ba dapat ako yung umiiyak? Bakit naunahan niya pa ko? Humihingi lang naman ako ng advice sa kanya, pero parang nagalit pa siya sakin." Reklamo ko habang umiiyak. Hinagod-hagod lang ni Vani yung likod ko.

Saglit siyang tumahimik, "Pwede bang kotongan kita kahit isa lang?" Sarcastic niyang tanong. "Hindi mo man lang ba narealize kung bakit nagkaganun yung isang yun?"

Suminghot ako at basta na lang sinabi kung anong naisip kong sagot. Masyado akong nabigla sa mabilis na pangyayari kanina para makapag-isip akong mabuti ngayon. "Uhh, kasi bitter siya?" This time, talagang kinotongan niya na talaga ko. Wala talagang makakapigil sa kabayolentehan ni Vani kahit kelan. Psh.

"Gaga ka talaga." Saway naman niya. "That Lara, paniguradong may gusto yun kay Justin."

Suminghot-singhot ako. "Anong pinagsasabi mo--" Natigil ako sa pag-iyak at tinignan siya.

"Isa lang naman ang nakikita kong dahilan kung bakit ganun siya kaconcern sa feelings ni Lorenzo." Tinignan ako nito. "Mahal niya na yun." Natulala na lang ako at napaisip. Sa totoo lang, kahit kelan hindi yun pumasok sa isip ko. Tsaka walang ibang sinasabi si Lara sakin tungkol sa taong gusto niya. Ang alam ko lang ay ang tungkol sa past nila ni Fritz kahit porsyentado lang ang paniniwala ko doon.

Kaya ba mas laging updated si Lara pagdating kay Justin kesa sakin?

Tinignan ko si Vani. Kung hindi niya lang ako nakita dito sa may garden, wala siya ngayon dito para malaman ang nangyari samin ni Lara kanina. "Vani, anong gagawin ko?"

Bumuntong-hininga si Vani. "Gawin mo na lang kung anong binabalak mo ngayon." Napaisip ako saglit.

"Teka Vani," Sambit ko. "Onti na lang aakalain kong si Jolene ang kausap ko ngayon eh." Natigilan naman siya.

She cleared her throat. "Hindi nakakatawa." Galing man sa iyak, natawa na lang ako at niyakap siya.

Buong klase, hindi na pumasok si Lara. Bigla tuloy akong nag-alala. Wala siyang pinasok kahit isang subject ngayong araw. Malapit pa naman na ang pasahan ng thesis at midterm exam.

Wala ng mas lulungkot pa sa araw na ito. Buong araw, wala akong ibang inisip kundi si Lara naman. Pagsapit ng lunch, sinubukan ko siyang tawagan at itext pero hindi man lang siya sumagot o nagreply. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pero isa lang ang naiisip ko, ginalit ko nga siguro talaga siya. Marami kaming napagkakasunduan ni Lara at ngayon lang nangyari samin ang ganto kaya hindi din ako sanay.

Kasabay ko sina Loisa kumain ngayon. Si Vani daw ang nagyaya pero mukhang hindi naman niya sinabi kina Loisa at Carla yung nangyari kanina. Sa ngayon, apat kaming nagkasabay kumain ngayon.

Pagtapos ng last subject ko, nagvibrate bigla yung phone. Nang maisip ko na si Lara yung nagtext, kaagad ko itong binuksan.

=====

From: Vanessa Cartena

Papunta na kami dyan.

--

Hintayin mo kami kundi sasabunutan kita!

=====

Inayos ko na lang yung mga gamit ko at pagtapos nun, lumabas na din ako ng room. Malayo din ang building ng Fine Arts dito, hindi na nila dapat ako pinuntahan. Tsaka dati naman pag magkikita kami, kami mismo ang pumupunta sa building nila dahil reklamadora nga si Vani.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon