Chapter 52

2 1 0
                                    

*****

Judith's POV

Friday

"Sabi na nga yun yung sagot! Ugh!" Isinara ko na yung binder at inilagay na yun sa bag ko. Nagyaya na din akong lumabas ng room dahil tapos naman na kami mag-exam.

Papunta kami ng court ngayon dahil yung ang usapan namin. Saktong nagtext na si Kristoff sakin at sinabi niyang nasa court na sila.

Pagdating namin dun, kumpleto na din sila. Si Justin lang ang kulang dahil nasa Bicol pa rin sila ng papa niya. Lumapit naman ako kina Vani para yakapin sila.

"Dala mo na ba Jolene?" Tanong ni Lara dito. Inilabas naman ni Jolene yung box na maliit. Nagsimula na din naman na kami at isa-isa kaming nagbunutan.

Pagbuklat ko ng papel, napakagat naman ako sa labi ko nang mabasa ko kung sinong nabunot ko. Siya pa talaga ang nabunot ko ha.

"Itong natirang papel ang kay Justin." Pagreremind ni Jolene. "Kayo na bahala guys. Any amount pwede."

"Talaga? Eh di pwedeng tigsasampu?" Eksena naman ni Lewis.

"Wow brad ang cheap mo ha." Puna naman ni Kristoff.

After naming magbunutan, sabay-sabay kaming kumain ng lunch sa labas.

"By the way, Choc-nut," Nilingon ko naman si Jolene na nasa harapan ko. "Kamusta ka nga pala? May nalaman ako ah." Naintriga naman sina Carla dahil sa sinabi ni Jolene. Napayuko naman ako.

"Ano yun gerl?" Pagtatanong ni Carla.

"Alam mo na din ba, Jolene? Ako din nung isang araw ko lang nalaman." Singit naman ni Lara. Ayan na naman sila.

"Ano ba yun gerl? Ano bang nalaman niyo?" Tanong naman ni Carla kay Lara.

"Something red yun Carla." Sagot naman ni Lara. Nag-isip naman ang bakla.

"Something red? Dalaw ba yan?" Binatukan naman ni Vani si Carla.

"Leche. Kumakain tayo!" Saway naman ni Vani.

"Eh something red daw eh."

Tumawa naman si Lewis. "Something red? Hotdog yan." Tinawanan lang siya nina Kristoff.

"Ewan ko sayo Iñigo. Psh." Pagtataray ni Lara. "Something sweet yun. Matamis ba ang hotdog?"

"Aba malay ko. Basta alam ko mahaba yun eh--Aray!" Binatukan naman siya ni Jolene, magkatabi kasi sila. "Aray ko naman!"

"We're not idiots, Iñigo." Pagsusungit ni Luigi.

"Aah ganun ba? Akala ko kasi.." Hindi agad siya pinatapos ni Luigi magsalita.

"Akala mo ano?"

"Kuya," Banta naman ni Loisa sa kuya niya kaya tumahimik na lang ito. "Ano ba yung sinasabi ni Lara, Choc-nut?" Magsasalita pa lang sana ako pero nagulat ako dahil nagsalita na si Kristoff, yung katabi ko.

"Nililigawan ko si Judith."

Nagkatinginan pa kaming dalawa matapos niyang sabihin yun. Pagtingin ko sa lahat, gusto kong matawa sa mga itsura nila. Akala mo pinagkalat ni Lewis na matino na talaga siya dahil sa mga reaksyon nila. Haha. Okay ang bad ko.

"Oh em! Really Papa Kristy?"

Kristoff gave Carla a bored look, "Kakasabi lang di ba?"

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon