Chapter 3

90 4 0
                                    

*****

"Hahaha. Kahit kelan talaga kayo Shoks!" Mangiyak-ngiyak kong sabi habang patuloy kami sa pagtawa.

Nandito nga pala kami sa park ngayon na halos 10 blocks lang ang layo mula samin.

Matapos naming iwan sila Lewis sa Crystal bar, biglang nag-aya si Kristoff dito. Kumakain siya ng Kwek-kwek habang ako naman patuloy sa pagkain ng Choc-nut. Oo, wala talaga kong balak magtira bukas.

Kinukwento niya yung nagbar silang mga lalaki one time nung hindi kami kasamang mga girls. Sumama si Luigi pero ayaw uminom. Kaya ang ginawa nila ni Justin, imbis na tubig ang iabot sa kanya nun, yung Vodka pa! At since hindi siya sanay sa ganung alak, nalasing siya agad.

 Kaya ang ginawa nila ni Justin, imbis na tubig ang iabot sa kanya nun, yung Vodka pa! At since hindi siya sanay sa ganung alak, nalasing siya agad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh anong ginawa niya after magmacho dancing sa dance floor?" Natatawa ko pang tanong.

"Haha! Ayun, biglang hinalikan si Lewis sa pisngi. Tapos sinukahan pa!" Tawa naman kami ng tawa. Inilabas naman ni Kristoff yung phone niya at may kung anong kinalikot. May pinapanuod siya sakin, yung video pala nung nalasing si Luigi. Hahaha.

"Sira ka talaga! Patay ka kay Luigi pag nalaman niya yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sira ka talaga! Patay ka kay Luigi pag nalaman niya yan."

"Hindi niya malalaman kung walang magpapaalam no." Pangangatwiran niya naman.

After ng tawanan session namin, nagkwentuhan naman kami about our childhood days.

"Yeah, tapos aakyatin pa natin yung puno ng mangga at nagbalak pa tayong magbenta nun no." Natatawa kong sabi.

"Grabe tagal na din nun no. Parang kailan lang tagapunas mo pa ko ng pawis mo." Natawa naman ako dun.

"Magpa-Paris ka ba paggraduate mo?" Bigla niyang tanong. Napalingon naman ako sa kanya.

I just shrugged my shoulders, "Hindi pa ko sigurado." Alanganin kong sagot. Syempre pag nangyari yun, mapapalayo ako sa lahat. And I don't like that.

"Pero gustong-gusto mong makapagtrabaho dun as model di ba?" Tama siya. Alam nilang lahat na pangarap kong makuha sa isa sa mga pinakasikat na modelling agency sa Paris.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon