Chapter 22

48 1 0
                                    

*****

Judith's POV

"Oh ayan na Chaka doll mo." Tapos nilapit ako ni Vanessa kay Kristoff.

"Ako na magdadaan ng mga to sa bahay niyo Choc-nut. Tutal madadaanan ko naman yun." Tumango lang ako kay Lara. Nagbeso na sina Loisa sakin. "See you tomorrow, Choc-nut!" Paalam ni Loisa sakin.

"Ja." Paalam din sakin ni Vani.

Nang makalayo na sila, hinarap ko si Kristoff, "Ano nga pala ibibigay mo?"

Ngayon ko lang napansin yung hawak niyang maliit na eco bag. Inabot niya iyon sakin. "This."

Kunot-noo kong sinilip yung loob ng bag.

O.O

"You like it?" Rinig kong tanong niya. I am still in shock habang nakatitig pa rin sa maliit na box na nasa loob ng eco bag.

Alam niyo kung anong nasa loob ng box?

*smirks*

Isang singsing.

"Judith, will you..?"

Dug, dug

Dug, dug

AN: Ang feeler ni Judith. Akala naman niya magkakatuluyan sila.

-___-

"What?" Pabitin pa kasi eh.

"Will you please take care of your cellphone? Especially that. Bigay ko yan sayo kaya dapat ingatan mo."

Tumango ako, at unti-unting napapangiti sa kanya. Ewan ko pero bigla ko tuloy siyang nayakap.

"Sweet naman ng Shokoy na to. Tinalo pa Papa ko. Hahaha." Narinig ko siyang tumawa.

"Tsk. Prinsesa ka ng San Mariano pero basag cellphone mo? Tindi mo ah."

Kumalas na ko sa kanya, "Nakakalimutan ko kasi eh. Tsaka nagagamit ko pa naman kaya di pa ko bumibili." Pangangatwiran ko.

"Ano yun hihintayin mo pa masira? Tsk. Kelan pa ba yan nabasag?"

Nag-isip ako saglit, "Nung Sports Fest."

"Pano naman nasira yan?" Oh sige mag-interrogate ka pa. :3

"May nakabunggo kasi ako nung papunta na ko sa game niyo nun." Sagot ko na lang. "Tara na nga. Samahan mo ko sa Mushroom Burger. Nagkecrave ako sa Fries nila eh."

"Cravings again. Pero namiss ko din yun ah." Nauna na siyang naglakad kaya kunot-noo akong sumunod sa kanya.

Hindi ko alam kung wordings ba ni Kristoff ang nagbago o yung utak ko eh.

"Sinong sira-ulo namang bumunggo sayo at di man lang pinalitan yang cellphone mo?" Masungit na tanong ni Kristoff.

Pumasok na kami sa loob ng Mushroom Burger at pumila sa counter. "Si Fritz."

Kumunot naman ang noo niya, "Sinong Fritz yan?"

Bago ko pa masagot yung tanong niya, unti-unting nag-iiba yung expression ng mukha niya. Turn ko na para umorder.

"Fries po Miss. Yung large. Tapos Large Coke."

"Dine in po, Ma'am?" Tanong niya habang nagpipipindot sa screen.

"Yes po."

"Okay po. Isang Large Fries and Large Coke po ang order nila."

Lumitaw na yung price kaya naglabas ako ng 500 peso bill.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon