Chapter 12

36 1 0
                                    

*****

I sigh in relief. Kahit papano nakahinga pa naman ako ng maluwag sa araw na to.

Gumulong ako sa kama at itinakip yung unan sa mukha ko.

"Wala akong pakialam kung ireject mo ko. Just let me express my feelings for you and make you happy. Kahit sa ganung paraan lang, masaya na ko."

Ugh. Justin. Justin. Justin.

Ni katiting hindi pumasok sa isip ko na magugustuhan niya ko. All I know is that, I have a sweet and gentle guy friend na magaling sumakay sa mga kalokohan at alam kong mapagkakatiwalaan ko.

But,

Enough of this. Bahala siya dyan. Gusto ko munang matulog. Ayoko ng maalala yung kahapon.

---

*Applause*

Bumaba na sila sa stage after nilang mapicturan. Pagkababa nila, isa-isa namin silang binati.

"Congrats sa inyo! As always." I rolled my eyes causing them to laugh.

"Congrats din sa inyo Chaks." Oo nga pala, nanalo kami sa Volleyball though inatake ako ng hika ko nung araw na yun. May award din sina Luigi for winning in Table Tennis and Carla for Badminton.

At kakababa lang nina Kristoff at ng mga BA students sa stage dahil sa pagtanggap nila ng award.

"Looks like, mukhang marami ding reasons para magcelebrate ulit? Hahaha." Justin said.

Umakbay si Lewis kay Luigi, "Salamat sa Dunk Brader natin dito. Hahaha."

"Palibhasa kasi di marunong." Asar ni Lara. Eto namang si Lewis nagreact agad.

"Aba aba. Syempre di ko lang pinapakita kasi baka maging uncontrollable na yung mga fangirls namin." Aba! Umandar na naman ang pagiging mahangin nito.

"Palusot mo Lewis." Dagdag ni Lara.

"Hay nako chubby--ARAY!" Napasigaw si Lewis nang sikmuraan siya ni Lara. Aba! Umaandar na din ang pagkabayolente ni Lara-bebs.

Nagsilingunan kami kay Loisa nang tawagin niya kaming lahat.

"Yes Baby Sis?" Tanong ni Carla.

"You know, birthday na ni Kuya next next Saturday. Let's just celebrate there."

Oh my, oo nga pala.

Alam naming lahat kami nakaramdam ng excitement.

"San naman?" Tanong ni Vanessa.

*3*

Napangiti ako nang magsparkle ang mga mata ni Loisa.

"Like I've promised last time. Let's have Palawan."

Automatic naman kaming natuwa sa sinabi niya. Si Luigi napapakamot sa ulo.

"Ikaw may birthday ha. Tch." Komento nito. Nagpout lang si Loisa.

"That'll be fun Loisa. Alam na ba nina Tita to?" Tanong ni Jolene.

Tumango si Loisa, "Yep. And with the use of my puppy eyes, well, I got a 'yes'!"

Bigla naman akong may naalala sa getting a 'yes' na yan.

Napatingin ako kay Justin and sakto, he's looking at me. Smiling so wide.

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sakin ni Kristoff. "Game kami dyan. Tatanda na naman pala si Luigi. Hahaha." Nagtawanan kami at ang pinakamalakas na tawa ang nabatukan, ng malakas din. "Aray naman 'Ji!" Reklamo ni Lewis sa pagbatok sa kanya ni Luigi.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon