Chapter 48

3 1 0
                                    

*****

Nang makapasok na kami sa tahanan ng mga Moñego, kaagad kaming sinalubong ng isang nurse.

"How's my dad? Is he awake?" Tumango naman yung nurse.

"Yes po. Kakainom niya lang po ng daily medicines niya." Umakyat naman kami sa taas para puntahan na si Tito Stefan.

"Nandito ba si Tita Karis?" Tanong ko habang papaakyat kami sa malawak na hagdan nila. Mas malaki ang bahay nila kesa samin pero mas malaki pa din ang bahay ng mga Silvestre at Olivar kesa sa kanila.

"4:20 pa lang. Mamaya pang ala-singko yun." Nakarating na kami sa isang malaking kwarto at kaagad ko namang nakita si Tito na abala sa pagbabasa ng libro.

"Pa," Napalingon naman si Tito kay Kristoff at kaagad na nalipat ang tingin niya sakin. Nakasandal ito sa headboard ng malawak niyang kama at nakapatong ang kumot niya sa kanya. Ngumiti naman siya sakin kaya sinuklian ko naman iyon. "Nandito na po si Judith." Kaagad kaming lumapit kay Tito at nagmano naman ako sa kanya. Humalik naman si Kristoff dito.

"Good evening po, Tito. It's been a while." Pinaupo ako ni Kristoff sa tabi ng kama ni Tito habang si Kristoff naman ay naupo sa may kama.

"How are you, Judith? Matagal-tagal din kitang hindi nakita ah. Mabuti na lang at nakadalaw ka." Ngumiti ako kay Tito. Kamukha niya talaga si Kristoff.

"Syempre naman po, Tito. Alam niyo namang malakas kayo sakin eh." Natawa siya nang sabihin ko yung madalas kong sabihin sa kanya pag nagkikita kami. Sa totoo lang mas close ako kay Tito kesa kay Tita Karis. Magaan din ang loob ko kay Tito, siguro dahil sa napakabait niya.

"Magpapahanda ako sa maid ng pagkain." Nag-excuse si Kristoff kaya kaming dalawa na lang ni Tito ang nandito sa kwarto.

Nang maisara na ni Kristoff yung pinto, nagsalita si Tito. "I'm really glad that you came here to visit me. Thank you, Judith."

"Wala po yun Tito."

Isinara niya yung libro at inilapag sa isang tabi yun, "Judith, before I die, gusto kong may maipakilala na sakin ang anak ko. Para masiguro kong lalaking-lalaki talaga ang anak ko." Kung hindi lang dahil sa una niyang sinabi, baka natawa pa ko sa huli niyang sinabi.

"Tito, wag naman po kayong magsalita ng ganyan." I tried to smile pero hindi ko nagawa. It's not worth smiling.

Tumawa ng payak si Tito, "You know what? Kahit kilala na kita, sana balang araw, ipakilala ka na din sakin ni Kristoff. Not as his dear bestfriend, but his girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. A-Anong ibig niyang sabihin dun??

"T-Tito naman! Magkaibigan lang po kami." Umiling-iling lang si Tito sakin.

"You can say it now but tomorrow can make a new change." Ngumiti lang si Tito sakin. Ako naman hindi ko alam kung anong sasabihin ko. If I'm still a kid, maaasar pa ko at sasabihing 'Tito yuck naman!'

"You're like a daughter to me, Judith. And if that time has come, I'm looking forward to the both of you." Hinawakan niya ang kamay ko. "I know you're my son's happiness. I will also be happy if you are destined to my son. Ingatan mo siya, alright?" Napakamot pa ko sa ulo ko.

"Tito naman eh, para namang girlfriend na ko ni Kristoff dahil sa mga sinasabi niyo." Ngumiti lang siya at bago pa siya makapagsalitang muli, bumukas na ang pintuan.

After naming kumain habang nagkukwentuhan, nagpaalam na din ako kay Tito dahil kelangan na niyang magpahinga. Nangako naman ako na dadalawin ko ulit siya sa susunod.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon