Chapter 45.1

14 1 0
                                    


*****

Kristoff's POV
(A Trilogy)

Almost 11 years ago.

Naaalala ko pa yung niregaluhan ko siya ng locket na hugis-tsokolate. Yun talaga yung malinaw na malinaw ko pang naaalala. Nine years old na din kasi ako nun.

It's not the most expensive necklace, pero tanda ko pa kung pano ko yun pinag-ipunan. I wasn't even able to buy the bike I want, in order to buy the locket that she wanted to have. Sabi kasi sakin ni Papa, ang tunay na regalo, pinag-iipunan at pinaghihirapan.

Yung ibang memories ko nung bata ako na kasama si Judith, mga kwento na lang nila Tita Josephine. May mga kwento sila na hindi ko pinaniwalaan, but darn it, they've got bunch of pictures as evidences.

It was gay-ish, but she was the first friend I had that time. Unico Ijo lang naman kasi ako. At nagkataong close ang mga magulang namin dahil sa iisang university daw sila nag-aaral nun. Hindi din naman ako mahiwalay kay Judith dahil madalas siyang mapaaway at mapahamak.

Kahit andyan si Kuya Jul, yung kuya niya, kami pa din ang nagkakasundo ni Judith. Isang taon lang naman kasi ang agwat namin.

When we were kids, she has the most sweetest smile that makes you wanna forget everything and just stay by her side.

At bata pa lang siya, paborito niyang laro ay ang rumampa. Laking pagpapasalamat ko na lang at hindi ako naimpluwensyahan at lumaking bakla! Papatayin ako ni Papa.

Pagdating ng elem, high school, and even college, magkasama kami. Nagkahiwalay lang naman kami dahil magkaibang course ang kinuha namin.

The first time she had a girl bestfriend, was also the first time she lost one and felt betrayed. That moment, I made a vow to myself that I won't let that one happen again. She doesn't deserve to be treated like that.

Mahiyain at mahina ang loob ni Judith. At sa nangyaring yun, mas nawalan siya ng tiwala na makipagkaibigan ulit. That's why she never had a new girl bestfriend nung high school kami, not until we met Lara and the rest. Nung high school kami, she only had her siblings, Kylon, and of course, me.

Halos kabisado ko na ang lahat sa kanya. Lahat ng paborito niya, mga ayaw, mga kinahihiligan, phobias, and even the history of her name! Alam ko nga din kung san siya pinaglihi ni Tita. Damn. Kilala ko din ang mga kamag-anak niya. At ako lang din ang nakakaalam sa pinakapaborito niya bago siya ma-obsessed sa tsokolate.

I treated her like my own sister. Pag kasama ko siya, para kong may kapatid talaga. But everything changed when her 18th birthday came.

I'll never forget how I stared at her for a very long time. Nung mga oras na yon, wala na kong ibang maalala at maisip kundi siya lang. Ang weird nga eh, hindi din kasi ako nakatulog ng maayos nun.

But after that, binalewala ko na lang yun. Masyado lang siguro akong nagandahan kay Judith nun. Sinabi ko pa sa sarili ko na imposibleng magkagusto ako kay Judith. We've known each other for years and known as bestfriends, kaya hirap talaga kong tanggapin yon.

Pero takteng yan, naulit pa yon nung debut ni Loisa. That time, nahahalata ko na din yung mga tinginan ni Justin kay Judith.

Nainip na nga ko dahil ang tagal nila magsayaw. Hanggang sa hindi ko na kinaya at nilapitan ko na sila. At nang makasayaw ko na naman siya, I felt it again. Para siyang naging diwata nung gabing yon. Hindi ko din maialis ang mga mata ko sa kanya. I was dumbfounded as I felt my heart beat so fast just by holding her hand and looking through her eyes.

As time goes by, everything seems to change too--o baka ako lang yun? I just found myself making a move against Justin. Tangna nga eh. Ewan ko ba kung bakit--ugh I hate to say this--kung bakit parang binabakuran ko si Judith. Worst, sa sarili ko pang tropa!

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon