*****
Judith's POV
Monday
Sports Fest na namin. Mukhang magiging busy kami ngayon lalo na yung mga taga-SCO.
Kaso hindi ko nagugustuhan ang pagiging busy na to. Napapansin ko kasi na madalas ng magkasama sina Jolene at Kristoff. Siguro inaasikaso lang ni Kristoff yung game ng Knights Basketball Team. Captain ball kasi siya. Tsaka in charge din siya sa mga basketball match na by course.
Ilang minuto na lang pala at opening na ng Sports Fest.
"Goodluck baby girl! Kaya mo yan." Sabi ni Lara kay Loisa, member kasi siya ng cheerleading squad. 'Knight and Dame Squad' ang pangalan.
"Taasan mo yung talon ha. Yung tatagos ka sa bubong ha." Nagpokerface kaming lahat sa sinabi ni Carla.
"Papatayin mo ba ko?" Nakangusong tanong ni Loisa. Natawa naman kami.
"Tumigil ka nga dyan Carlo. Dapat mag-ingat siya." At after naming marinig kay Lewis yun, napatingin kaming muli sa kanya.
"Kung nag-aalala ka sa kapatid ko, eh di ikaw ang pumalit sa kanya." Masungit na sabi naman ni Luigi.
Tinawag na si Loisa kaya umalis na siya sa grupo namin. Pumila na din kami sa kanya-kanya naming by course na pila. Ang dami lang naman namin pero malawak naman yung quadrangle na may logo ng KSNU. Kulay Silver at may dalawang sword na nakaform ng flat X sa ilalim ng isang shield kung san nakalagay yung initials pati yung year kung kelan itinayo yung school.
Kulay Gold naman sa KSSU.
Narinig na namin ang malakas na tunog ng drum. Napalingon ako sa pila nina Kristoff at Jolene. Kasunod nun ay may kung ano akong naramdaman nang makita ko silang masayang nag-uusap.
"Selos ka?"
"Ay pusang nilamog ng bongga!" Halos atakihin naman ako sa puso nang magsalita si Lara malapit sa tenga ko.
Patuloy pa rin ang pagtugtog ng tambol, pero kinakausap pa rin ako ni Lara. "Sa tambol, hindi ka nagugulat. Pero sakin nagulat ka? Tsk tsk tsk tsk tsk."
"Psh." Sabi ko na lang.
"Aminin, nagseselos siya." Pang-aasar niya.
Hanudaw?
"Nagseselos? San naman?" Pakiwari kong tanong.
"Sus Choc-nut! Eh kung makatingin ka kina Jolene parang matutunaw na sila mula sa maapoy mong tingin eh." Napatingin ulit ako kina Kristoff na nag-uusap pa rin at this time, may paluan ng nagaganap. Ugh.
"B-Baliw ka ba? Kaibigan ko sila parehas." Sabi ko na lang.
"Hindi natin alaaaam." She told me using her teasing tone.
Kainis naman. -__-
"Manahimik ka na dyan. Ayan na si Loisa oh." Nagsimula na kaming magcheer nang makita na namin si Loisa sa gitna. Ginagawa niya na yung part niya sa steps. Tapos maya-maya nagsplit muna to na ikinahiyaw namin bigla ni Lara.
Tumuntong na to sa mga lifters at maya-maya, nang makapwesto na siya, hinagis na siya at nag-iiikot ito sa ere.
Ang galing talaga niya. Napapalakpak naman kami ni Lara.
"Baby girl namin yan!" Rinig kong cheer ni Carla sa kabilang line.
Nang matapos na ito, nagparade naman yung mga basketball players na by course sa gitna. Ang grand champion pala ang ilalaban sa ibang school.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...