Chapter 6

58 3 0
                                    

*****

"Tara na Chaks. Susunod din yang mga yan. Mga lasing na din oh." Inalalayan ako ni Kristoff na makatayo.

Nagpoker face naman ako dito, kumunot naman ang noo niya. "What?" Nagtataka niyang tanong sakin.

"Shoks. Nagkacramps lang ako. Pero hindi ako lumpo, okay?" Grabe talaga mag-alala to.

"Tch. Bukas na ang party ni Loisa. Kung bibiglain mo yang leg mo ngayon, baka kumirot na naman. And worst, hindi ka pa makapunta sa party." Hindi naman ako mananalo dito. Ipaglalaban niya talaga ang ipaglalaban niya. Ano daw? "Tsaka for sure pupunta sina Tita Josephine bukas. Kailangan okay ka na." Dagdag niya.

Ay, ayun naman pala eh.

"Ang hihina *hik* nito naman!" Napahinto kami sa kaingayan ni Loisa.

"Hahaha. Grabe ka Loisa! Anong mahina? Eh mas marami nga kaming nainom kesa sayo." Pagyayabang ni Lewis. May tama na rin to pero since sanay siya sa alak, hindi naman siya nalasing ng sobra.

Bumalik si Loisa para ata abutin yung isang bote ng alak, kaso agad naman tong kinuha ni Luigi palayo sa kanya.

"Kuya! I'm thirst!" Natawa naman ako sa grammar niya.

"Alak to ano ka ba. Ikukuha kita ng tubig." Sabi ni Luigi sa kanya.

"Mabuti pa't matulog na tayooo *hik* We need beauty reeest. Ugh." Pagkasabi ni Jolene nun, napahiga na siya kay Lara na nakaka-idlip na din.

Hindi pa naman lasing si Justin kaya tumayo ito dala-dala ang isang robe tapos ibinalot kay Lara. "Tulungan niyo kong magbuhat dito." Utos niya.

Biglang tinulak ni Loisa yung kuya niya. "Kuya! Buhatin mo nga si Jolene! Wag ka namang tumunganga dyan." Utos ni Loisa sa kanya. Sumunod na lang ito. Pag lasing kasi si Loisa, kailangan talaga sundin mo ang gusto niya. Nagiging salbahe siya at minsan nagwawala. Haha.

Naglakad na kami papasok. Nauna sila Justin at Luigi na buhat-buhat sina Lara at Jolene na kasalukuyan ng natutulog. Nakarobe na din si Jolene.

Sina Vanessa at Carla pala, kanina pa nasa taas. Maagang napatulog si Vanessa ng alak tapos si Carla naman, inalalayan ito pero di na din siya bumalik pagtapos. Inantok na din siguro.

Si Loisa pagewang-gewang na, inalalayan siya ni Lewis. "Careful." Sabi niya dito. Sinuotan niya ito ng robe.

"Buhatin mo na yan Lewis. Baka malaglag pa sa hagdan. Nasa taas naman na si Luigi kaya hindi ka magugulpi nun." Sabi ko dito. Sinunod niya naman ako.

"Tch. Siguraduhin niyo lang na hindi ako mababangasan dito." Takot niyang sabi.

"Duwag. Haha." Pang-aasar ni Kristoff dito.

---

Saturday

Kasalukuyan na kaming inaayusan sa bawat kwarto namin dahil ilang oras na lang ang natitira para sa simula ng party.

Nawala na din yung kirot sa right leg ko so good news! Makaka-attend ako ng party at bad news! Pwede na kong magsuot ng heels. -_-

Wala din naman na kong choice dahil nakaheels yung mga girls. Ayoko namang magmukhang pandak.

Kahit kalahating oras pa lang ako inaayusan, inaantok na ko sa mga pinaggagagawa sakin ng hair stylist tsaka make up artist ko ngayon. Mga ilang araw ata ang nabilang ko nang matapos na sila sakin. -_-

Pagtingin ko sa human size mirror na nasa malapit lang, parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon. Literal pa nga kong nagulat pero saglit lang yun.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon