*****
Si Lara ang unang naghubad ng robe niya. Tumambad samin ang chubby at may onting muscle niyang katawan ngunit bagay naman sa kanya ang katawan niya. Sexy pa rin naman siya lalo na't may curves pa rin naman siya.
She's wearing a Blue two piece na pacross yung likod.
"Ang taba mo Lara!" Agad niyang binato ng mineral water si Lewis.
"Let's go." Si Loisa nagtanggal na rin ng robe. Kulay Pink na swimsuit ang suot niya na may bilog na pagkamalaking butas sa may tiyan at backless ito.
"Tch. Wear this." Binato ni Luigi yung White bandana kay Loisa.
"You're crazy Kuya. Magsuswimming ako duh!" Reklamo ni Loisa.
"Susuotin mo o susuotin mo?" Wala namang nagawa si Loisa kundi isabit yun sa bewang niya.
"Tara na Choc-nut." Yaya sakin ni Jolene. Kulay Violet na two-piece naman ang suot niya. May manipis na cloth siyang suot na kita pa rin ang kulay ng two piece niya. Hanggang hita niya yung manipis na cloth at long-sleeved ito.
Hinubad ko na din yung robe ko.
I'm wearing a green two piece na may manipis ding cloth pero hanggang chest ko lang. Long-sleeved din to.
Nang makalusong na kami sa pool, sumunod naman yung ibang boys.

Si Vanessa at Carla nagsasabunutan na sa pool, de joke. Sumisisid lang sila. Sila Loisa at Jolene, kasama si Lewis. Katabi ko naman si Lara pero palangoy-langoy din ito. Napansin ko naman si Kristoff na parang malayo yung tingin, kinalabit ko naman to.
"Huy Shoks! Natulala ka naman dyan?" Natauhan naman agad ito.
"Aah. Wala. Inantok lang." Umalis siya ng pool. "Kain lang ako ulit." Paalam niya habang naglalakad na siya papunta kina Luigi at Justin. Si Luigi nakahiga lang sa lounge chair.
"May inaantok ba sa pool?" Bigla kong tanong sa sarili ko habang naglalakad ako papalapit kina Lara.
"Wala no. Pero may lalaking natutulala sa isang babae." Sabat ni Lara. Kumunot naman ang noo ko dun.
Ano daw?
"May pinagdadaanan ka ata?" Bigla kong tanong.
Tumawa naman siya. "Wala kong pinagdadanan no. May kaibigan lang akong mahina ang connection." Mas lalo ko tuloy siyang di nagets. Ano ba yan.
Nagyaya silang umahon sa pool para kumain ulit. Kadarating lang kasi ng mga maids dala-dala yung mga foods na inutos ni Tita Lurisa kanina.
"Tara nang kumain ulit!" Umahon na silang lahat.
Dahil busog pa ko, naglangoy-langoy muna ko. Narinig ko naman ang tawanan ng mga girls. Pagkatingin ko sa kanila, napansin ko ang pikon na mukha ni Kristoff habang pinagtatawanan siya nila Lara. Si Lewis naman hinablot yung ulo ni Kristoff kaya napayuko siya, ginugulo-gulo ni Lewis ang buhok nito.
Nakita ko ang biglang paglingon sakin ni Justin. Kakaiba ang aura niya pero agad din tong napaiwas ng tingin sakin. Problema niya?
Nang makalapit na din ako sa hagdan ng pool, isang hakbang na lang ako nang bigla akong makaramdam ng matinding kirot sa kanan kong binti. Bigla naman akong napabitaw sa hand rill at nalaglag pabalik ng pool.
Napahawak ako sa may right leg ko habang pinipilit ko namang umahon gamit ang left arm and leg ko. Pero dahil hindi ako kaliwete, hindi ako makaahon. Bigla kong nabuka ang bibig ko dahil nararamdaman kong nawawalan na ko ng hininga. Pero tubig lang ang pumasok sa bunganga ko.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...