*****
Judith's POV
You're gonna be okay, Judith. It's alright.
Nakita ko na lang ang sarili ko na unti-unting umaatras at lumalayo sa lugar na yun. Hindi ko pa din maisip kung ano bang dapat kong maramdaman. I was too clouded with emotions dahil sa view na nakikita ko. Pero pakiramdam ko, may kung anong nakatusok sa dibdib ko ngayon--I find it hard to breathe.
I was thankful kahit papano dahil minor ang subject ngayon. Buong klase, lumilipad lang naman ang utak ko. Dahil kahit anong gawin ko, hindi pa din mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.
At habang iniisip ko yun, may namuong tanong sa isip ko. Bakit umiiyak si Jolene?
Kahit naman aminado ako na minsan ko na siyang--uhh--pinagselosan? Nag-aalala pa rin ako nang makita ko siyang umiiyak. Lalapitan ko naman talaga siya dapat kung hindi lang si Kristoff ang kayakap niya. Ugh.
Mabuti na lang at abala si Lara sa pakikinig sa klase kaya hindi din kami nakapag-kwentuhan ngayon.
After class, nakatanggap ako ng text kay Justin. Pinaalam ko naman kay Lara na susunduin ako ni Justin ngayon. Kilig na kilig naman siya na akala mo siya yung susunduin. -_-
"Hi, gorgeous." Nagulat ako nang halikan niya ko sa pisngi ko. Kaagad akong namula na ikinatawa niya. "Haha. I'm sorry. If you're not comfortable with it, I won't do that again."
Nagpaalam na si Lara samin. Inaya ko pa nga siya na sumabay na lang samin kaso tumanggi naman siya dahil susunduin naman daw siya ng driver niya. It was odd dahil hindi ko naman napansin yung sasakyan nina Lara nang makalabas na kami ni Justin ng university.
"So how's school?" Nakangiti nitong tanong habang nagdadrive. Paliko na kami at padaan na ng avenue.
"Ayos naman. Marami lang school works sa ibang mga subjects." Pag naiisip ko na naman yun, napapabuntong-hininga na lang din ako. Oh college.
"Want me to help you? Baka mapuyat ka pa dahil sa mga yan." Napangiti naman ako sa sinabi niya pero syempre, ayoko namang magpatulong sa kanya. Who knows na baka marami din siyang gagawin.
"Wag na no. I can manage."
"You sure? Basta nandito lang ako if you need some help." Kinindatan niya ko at napailing na lang ako.
"Oo nga pala," He paused for a while. "Yung sasabihin ko pala sayo." Bigla ko tuloy naalala yung sasabihin niya. Ano kaya yun?
"Ano nga pala yun?" Saglit niya kong tinignan.
"Your mom invited me again for a dinner. Tsaka," Tinignan ko siya at nakangiti lang ito matapos niyang bumuga ng hangin. "Gusto na din sana kitang ipakilala kina Mom." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Kilala ko naman na ang parents niya pero syempre, ipapakilala ako ni Justin bilang nililigawan niya! Ewan ko ba kung bakit ako nahiya bigla.
"A-Ah.. nakakahiya." I heard him chuckle. "Bakit ka naman mahihiya? Pinagmamalaki pa naman kita." He gave me a sweet smile na ikinangiti ko naman.
Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. He squeezed it for a bit, but something sparkling was not visible anymore, unlike before. "Kasama mo naman ako eh. Hindi kita pababayaan."
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin, hindi niya na muna ko pinababa at nauna siya sakin sa paglabas ng sasakyan. Kaagad niya kong pinagbuksan at siya pa ang nagbuhat ng mga dala kong bulaklak.
Inaya ko naman siyang pumasok.
"Oh. Justin!" Bati ni Ate nang makita niya kung sino ang kasabay ko pagpasok. Kaagad namang lumabas si Mama mula sa dining room at nilapitan si Justin.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...