*****
Judith's POV
*** You've been lighting up my phone
Worried that I'll be alone tonight ***
Ang kulit kulit kulit!
Napakamot ako sa gilid ng tenga ko. This guy--bwiset! Hindi ko akalaing ganto kakulit to. Daig pa ang iniwan ng girlfriend sa kakulitan!
Wait, san ko nakuha yun? I just rolled my eyes about that thought.
Gabi na at ilang oras na ang nakalipas after namin makabalik dito sa Manila. Tuwang-tuwa naman sina Mama sa mga pasalubong ko. Si Mama kung makayakap sakin akala mo isang buwan akong nawala. :3
Enrollment week na din pala ngayon for second semester. Bukas kami pupunta ng school.
At eto na naman, umiilaw na naman ang phone ko.
Akala ko titigilan niya na ko, pero jusko, eto na naman siya at text ng text, with matching tawag pa.
I was about to grab my phone pero tumigil naman na ito sa kakavibrate.
Pinatay ko na yung lampashade at sounds, at nahiga na lang ako sa kama ko.
Bahala siya dyan amagin kakadial!
---
The next day
"Sila Lewis?" Tanong ko kina Lara pagkarating ko sa cafeteria ng school.
"Nasa BA Department. Nagpapa-advise sa Dean nila." Oo nga pala, OJT na nila. Lagi ko na lang nakakalimutan. Baka maging busy na din sila.
Nang dumating na sina Vani at Carlo, nagdiretso kami sa comp lab para makita na namin yung grades.
"May bagsak ka!" Sinamaan ko ng tingin si Carlo at hinampas.
"Ezcusez moi? Kapal mo! Di ako katulad mo na puro kabaklaan ang inaatupag." Inirapan niya lang ako at ibinalik ang tingin sa computer na ginagamit niya.
"Aah!" Nagitla kami nang tumili siya, "May, may tres ako?? This can't beee!" Napangisi lang ako sa sinabi niya. Buti nga sayo.
"Ingay mo! Mahiya ka nga. Hahaha." Natatawang saway ni Lara dito.
"Patingin nga." Tinignan naman ni Vani yung grades ni Carlo, "Hah! Dos ako dyan. Pano ba yan Toleno." Pang-aasar ni Vani. Yung mukha ni Carlo pakusot na ng pakusot. Haha.
"Hayop tong prof na to ah." Inis na sambit ni Carlo. Wow, serious mode siya bigla.
"You're bad. It's not his fault, it's yours. Haha." Komento naman ni Loisa. Sumimangot lang si Carlo.
Nagulat ako dahil biglang nagpanic si Vani, "Si Sir oh!" Mukhang nagulat din si Carlo at nataranta. Nagpalinga-linga siya pero mukhang di niya nakita hinahanap niya.
"Hahaha!" Sinamaan ng tingin ni Carlo si Vani. Haha. Lakas ng trip ni Vani. Bakit kaya nakakatuwa mang-asar no?
Naalala ko tuloy siya.
Walang nang-aasar sakin. Di ko akalaing mamimiss ko yun.
After namin magpa-assess at mag-enroll(which is madaling bagay na samin dahil sa you know, connections), nagpaalam na muna ko sa kanila, sa pagdadahilan na magkikita kami ni Ate ngayon. Bukas pa naman kami magsecelebrate dahil OJT na nila.
Naisipan kong umakyat na muna sa rooftop at tumambay muna.
Hay. I wonder kung ano ginagawa ni Kristoff ngayon.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...