This Chapter is dedicated to AngelBalbz. Belated Happy Birthday beh! Soshite, hontou ni gomen nasai.
Aishiteru wa yo, Gela-Obachan!
Happy reading!
*****
"Chaks?" Nabura bigla ang reaksyon ko at kaagad na nilingon si Kristoff na medyo nakamulat ang mga mata. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Namumungay na ang mga mata niya pero nagawa pa rin niyang tumungga ng isa pa bago sumama ang tingin niya sakin. "Who brought her here? Di ba sabi ko not to tell her?!"
Napatalon ako sa bigla niyang pagsigaw. He turned his piercing eyes on me na ikinayuko ko bigla. This is the first time he look at me this way. With so much annoyance and more like hatred.
Those eyes made me think that I've just betrayed him--which is so untrue and never gonna happen.
Nilipat nito ang tingin kina Lewis. "I told her not to call her. Pauwiin mo na siya Lewis. Pakiusap lang." Mariin kong naisara yung mga mata ko at pinigilan ang sarili na maiyak ulit. No. Hindi ko gagawin ang gusto niya.
"No Lewis." Protesta ko. "Ako ng bahala sa kanya. Pwede na kayong maunang dalawa."
"Pero Judith.." Tumingin ako kay Jolene at nginitian lang siya. "Please?"
"No!" Nagulat ako nang biglang tumayo si Kristoff kaya napatayo din ako. He looked down on me, giving me a frustrated look bago kami tuluyang iniwan dun.
"Lewis," Nilingon niya naman ako. "May nasasabi ba sayo si Kristoff? Mukhang galit siya sakin. I don't have any idea." I told him without looking.
"I'm not sure Judith. Ang sabi lang niya, wag na wag daw kitang papupuntahin dito. Kung hindi lang sinabi ni Jolene, hindi talaga kita tatawagan eh." Tumingin ako kay Lewis at binigyan lang niya ko ng isang apologetic smile.
"Mas mabuti kung sundan mo na muna siya. Mukhang lumabas na siya ng bar. We'll wait in a distant." Tumango lang ako at kaagad na lumabas ng bar.
Nilibot ko ang tingin sa buong parking at kaagad kong nahanap si Kristoff sa may dulo na nakasandal sa may kotse niya at nakayuko. Nakaupo pa ito sa sahig. I catch my breath bago nagsimulang tumakbo papalapit sa kanya.
"Kristoff?" Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at iniangat ang mukha niya. Nagmulat lang ito ng onti. "Umuwi na tayo, okay?" Pagkukumbinsi ko sa kanya.
Pumikit ulit ito at umiling-iling. "Kristoff naman eh. Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba to sa pagtaboy ko sayo last time?" Narealize kong umiiyak na pala ko nang suminghot-singhot na ko. "Fine. Sorry na, okay? Hindi ko na ulit gagawin yun. Hindi na kita sisigawan at pagtatabuyan." I told him while crying. Naipikit ko ang mga mata ko saglit at pagmulat ko, nakatingin na pala siya sakin. Inabot niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
"W-Why are you crying?" His voice was hoarse at mukhang mas naiyak pa ko sa tanong niya.
"K-Kasi ikaw eh! Pinag-aalala mo ko eh." Parang bata ko pang sabi.
Hinawakan ko yung mga kamay niya na nananatili pa ring nakahawak sa magkabila kong pisngi. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko para damhin ang paghawak niya sakin. Miss na miss ko lang talaga siya. After all that had happened, kung sino pa yung pinaka-kailangan ko, ngayon ko lang nakita ulit. Pero kahit ganun, nagawa pa rin niyang pagaanin kahit papano yung pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...