*****
In this world with billions of people, we make our day guided by the day and night. In this world, there are unfinished businesses, things left unsaid, feelings kept hidden, moments cherished forever, regretted actions, and so many painful things that are beyond our imagination and expectation.
But no matter how painful they are, there's only one thing for sure.
Life must go on.
No matter how important those unfinished bussinesses are, we will never have the chance to do it anymore.
Those things left unsaid, we will never know when we will have the chance to say it again.
When feelings kept hidden, there's a possibility that it will be kept forever.
Those moments will remain as memories forever and it will never be real again.
And regrets are the one of the most painful things in the world because all of the above are what identifies the word regret.
Kasalukuyan kong binabasa ang huling chapter ng The Fault In Our Stars. Yeah, last month ko lang ulit ito nabasa gawa ng nakalimutan ko itong tapusin nun. Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa tumutulo sa mga mata ko habang binabasa yung ending.
Buti pa sa kwentong to, kahit nawala yung minamahal niya, naging masaya pa rin siya. Pero sa reyalidad ko, buhay man kami parehas, malabo na ang happily ever after samin. Nag-umpisa sa once upon a time, magtatapos sa simpleng the end. Nakakatawa man pero yun ang totoo.
Biglang tumunog yung phone ko at kaagad ko naman itong kinuha sa duffel bag ko. Ibinalik ko na din yung libro sa loob pagtapos.
"Hello?"
["Judyyyy! Asan ka na?"] Medyo napalayo ko pa yung phone sa tenga ko dahil sa bigla niyang pagsigaw.
"Hoy Fritz Castañeda! Kakakausap ko pa lang sayo hours ago nung paalis pa lang ako ng bahay. Tingin mo ba in an hour nasa France na ko?!"
Tumawa siya, yung sobrang lakas na akala mo wala ng bukas. ["Ang tagal mo naman kasi!"]
Napairap ako ng wala sa oras. "Aba! Ikaw na nga tong naghihintay, ikaw pa tong naiinip." Tumawa na naman ang leche pagtapos.
["Congratulations na lang ulit!"]
Nanliit ang mga mata ko kahit hindi niya nakikita. "Seriously? Pangatlo mo na yan!" Binati niya kasi ako nung mismong grad ko tsaka sa facebook. Tapos ngayon na naman, psh. Unli siguro to.
["Eh bakit ba? Eh sa hindi pa rin ako makapaniwalang graduate ka na ng college! Akalain mo nga talaga oh."] Napapikit ako. Ugh, ang sakit talaga sa ulo nitong lalaking to.
"I swear, pagdating na pagdating ko dyan babatukan kita!"
["Hahaha. Anyways, sure ka na ba talaga na lilipad ka dito? No regrets?"] Bumuntong-hininga ako at ngumiti kahit di naman niya nakikita.
"Eto na talaga yun, Fritz. I'm almost there. Wala ng atrasan to." Sabi ko sa kanya.
["Grabe, iba na pala ang nagagawa ng nabasted."] Sumimangot ako and swear, uupakan ko na talaga to in a heartbeat!
"Isa Fritz! Ipapabugbog kita kay Celine!" Pananakot ko sa kanya.
"Woah woah woah! Not that panty girl!" Napahagalpak na naman ako ng tawa dahil dun. Nitong nakaraang Christmas break kasi, umuwi siya ng Pinas at nung same break na yun, lumuwas naman sina Celine dito sa Manila.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...