Chapter 8

40 1 0
                                    

*****

Second day na pala ng Sports fest namin. At kasalukuyan kaming nanunuod ng game nina Kristoff laban sa HRM. Nagtatampo nga samin yung mga blockmates namin, nasa side kasi kami nina Kristoff.

Pero babawi na lang kami ni Lara sa pagchicheer ngayon.

"Go HRM!!" Sabay naming sigaw ni Lara.

Nakashoot naman yung isa naming blockmate bago magtime-out. Lumapit na samin sina Kristoff, inabutan ko siya ng tubig.

"Thanks Chaks." Binuksan niya ito at uminom na. Napalunok ako nang panuorin ko siya habang umiinom. Sheeems.

Ang h-hot lang.

Naipilig ko ang ulo ko. Oh my goat, ano ng pinagsasabi ko ngayon?

Pagkatapos niyang uminom, nagpunas ito ng pawis. Si Lara naman inaabutan din sina Justin. Opo, water girl po kami ngayon. Ayaw kasi kami paalisin nina Kristoff dito. Hindi daw kasi sila gaganahan maglaro pag wala daw maiingay na katulad namin. Oh di ba ang bastos lang?

"Sina Jolene?" Biglang tanong sakin ni Kristoff.

"N-Nagpatulong kina Vani sa kabila. May pinapagawa kasi yung Dean niyo sa kanya." Tumango-tango lang to at may kung anong binulong. Hindi na ko nagtanong.

Baka kung ano lang ang marinig ko at masaktan lang ako. :/

As usual, natapos ang game na nanalo sila Kristoff. Hindi nakapagdunk si Luigi, nakakapagtaka. Pero kahit ganun mukhang malakas ang kutob ko na sila na naman ang magiging champion at ilalaban sa ibang school. Hindi pa kasi sila natatalo.

Tatlong game na lang ang lalaruin nila bukas.

Mamaya na din pala yung Volleyball game namin ni Lara. Sila Loisa pala kalaban namin.

---

12pm na din kaya naisipan naming kumain muna. Good thing kumpleto na naman kami ngayon.

Busy ako sa pagkain ngayon. Si Lara naman katatapos lang. Sina Vanessa at Carla, nagkukwentuhan habang may kung anong tinitignan sa Ipad. Pansin ko naman ang pagsulyap ni Loisa kay Lewis na natutulog.

Si Luigi nagbabasa ng libro. Si Justin heto nasa tabi ko at nagkakalikot ng phone. At sina Jolene at Kristoff naman, nagtatawanan.

"Gamit-gamit ng utak ha. Hahahaha." Rinig kong sabi ni Jolene. Mukhang may kung ano silang pinagtatalunan.

"Wow ha! Napakatalino mo. Hiyang-hiya ako sayo ha." Sabi naman ni Kristoff. Namumula na din siya kakatawa.

"Talaga! Tama yan. Mahiya ka sakin. Hahahaha." Natatawang sang-ayon ni Jolene.

Parang sila lang ang tao sa mundo. Hays.

"Sayang talaga wala ka kanina sa game namin.." Tapos may kung ano siyang binulong kay Jolene na ikinapula nito at pinalo niya ng bahagya si Kristoff.

Ang sweet lang. </3

"Imposible n-naman yan Kristoff!" Parang nahihiyang sabi ni Jolene.

"Sa ganda mong yan! Wag ka nga dyan." Mas lalong namula si Jolene.

Ano ba yun?

Bago pa ko makapagreact,

*Booogsh!*

Tumayo si Luigi at masamang tinignan sina Kristoff at Jolene."Kung maghaharutan kayo, pwedeng pakihinaan? Tch!" Tapos padabog itong umalis.

"Problema nun?" Rinig kong sabi ni Lewis habang kinukusot nito ang mga mata niya. Nagising ata ni Luigi.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon