Simula

921 8 0
                                    

IN YOUR ARMS

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form without the permission from the author or publisher.







Natatawang napailing ang lalaki habang kaharap ang kaibigan nito sa upuan habang natatanaw ang malawak na lupain.

"Wala pa rin pagbabago hanggang sa ngayon. Simula ng nagkahiwalay tayo gwapong gwapo ka parin talaga.." sabi ng lalaki sa kanyang kaibigan bago tinapik ang balikat nito.

Natawang nailing din ang kaibigan nito.

"Ikaw rin Augustus ganoon din naman. Kahit medyo nagkakaedad na tayo ganoon parin. Parang binata ka parin sa hitsura mo. Palibhasa asinsado ka sa buhay. Samantalang ako ganito lang." sabi ng kaibigan ng lalaki kaya napailing na lamang ito.

"Wag mong sabihin iyan na asinsado ako. Kahit ganoon hindi parin makakapaghiwalay ang pagkakaibigan natin Rupert. Kahit anong mangyari kahit umalis man ako at bumalik kung saan tayo lumaki. Walang magbabago sa pagkakaibigan natin. Ikaw lang ang naging tunay kong kaibigan kaya malaking pagpapasalamat ko sayo.. "napangiti pa ito kaya napangiti na lamang ang kaibigan nito.

"Alam ko iyon Augustus kaya hanga nga ako sayo walang pinagbago kahit lagi kang umaalis at matagal kang bumalik pero nakikilala mo parin ako." tugon ni Rupert kay Augustus.

"Basta kahit anong mangyari babalik ako dito sa lugar namin. Kahit paalis alis man ako sa lugar na ito pero babalik parin ako hangga't malakas pa ang buto ko at nakakalakad pa ako babalik at babalik ako sa lugar na ito." napangiti pa si Augustus kay Rupert.

"Oo naman, aasahan ko iyan na lagi kang bibisita sa bayan natin. Alam mo naman hindi ko maipagkakailang nasasabik akong makita ang aking kaibigan." natawang sabi ni Rupert kaya nakitawa na rin si Augustus.
At inayos nito ang sumbrero bago napatingin kay Rupert.

"Syanga pala Rupert? Nasaan ang asawa mo? May anak na ba kayo? Sa tingin ko ilang taon na kayong kasal ngunit hindi pa kayo nagkaka-anak. Wag mong sabihin na wala pa? Ilang taon rin akong nawala sa lugar na ito." tanong ni Augustus kay Rupert na parang nais nitong malaman tungkol sa kaibigan nito.

Ngumiti ng malaki si Rupert bago napatango tango na lamang.

"Hindi sumama ang asawa ko dahil nagdadalang tao sya. At sa awa ng Diyos kahit medyo mahirap na talaga magkaanak? Sa edad kong ito at nagkaroon ng himala sa buhay naming mag-asawa. Buntis ngayon si Sonya. Kaya ilang buwan na lang sigurong manganganak na iyon. Bilang isang ama? Syempre nasasabik na akong makita ang aking anak.. "masaya sya mga mata ni Rupert habang sinasalaysay iyon.

Napangiti na lamang ng matamis si Augustus bago tinapik ang balikat ang kaibigan. Bago tumingin sa malawak na lupain.

"Masaya ako para sa inyo ni Sonya. Alam kong matagal na nyo ng gustong magkaanak sigurado akong maswerte ang anak nyo paglabas dahil magkakaroon sya ng maganda at buong pamilya. At Syempre mababait na magulang at alam ko paglabas ng bata maganda iyon at gwapo nagmana sa magulang.. "sabi ni Augustus kaya napangiti na lamang si Rupert.

"Alam ko, ako pa ba? Gwapo ang ama at ina kaya saan pa nagmana? Eh di sa puno." tugon ni Rupert kaya natawa na lamang ito.
Tumingin si Rupert kay Augustus.

"Ikaw? Kumusta ka na ba? Matagal din tayong hindi nagkita. May anak ka na ba? Saan ang asawa mo?." tanong ni Rupert kay Augustus pero napabuntong hininga na lamang ito.

"Asawa?." natawa si Augustus bago iniba ang usapan.

"May mga anak ako." tinuro nito kung saan ang dalawang teen ager na nasa hindi kalayuan kaya napatingin doon si Rupert.
Nakita nya ang dalawang lalaking sa tingin nya ay binata na ang mga ito. Habang tumutulong ito sa mga trabahador na ayusin ang mga bagong pitas na mangga.

"Iyon ang panganay ko. Mukhang binata na talagang tingnan pero labing lima pa lang iyan. At iyong isa naman ay nasa labing tatlo. Lahat lalaki ang mga anak ko. Wala akong babaeng anak pero kahit ganoon masaya naman ako." ngumiti pa si Augustus bago tumingin kay Rupert.

"Gwapo talaga ang mga anak mo. Mana sayo hindi na ako magtataka kung balang araw may papaiyakin iyan." natatawang sabi ni Rupert pero nagkibit balikat lamang ito.

"Wala akong magagawa. Buhay nila iyan medyo may pagkamatigas pa naman ang ulo ng mga batang iyan. Lalo na ang panganay hindi ko alam kung saan ba iyan pinaglihi." sabi ni Augustus kay Rupert.

"Ayos lang iyan basta may anak ka. Ganoon talaga ang mga bata pa." tugon ni Rupert.

"Oo nga naman tama ka diyan." tugon naman ni Augustus.
Napabuntong hininga ito bago tumingin sa kaibigan. At napangiti na lamang sa isat isa ang dalawa.

"Dad!."sigaw ng dalawang bata patungo kay Augustus habang may katulong na naghahabol sa nagbibinatang lalaki may dala itong mangga sa basket.
Habang ang isa naman ay seryoso na kasama nito ang kapatid na lalaki.

"Oh iho? Napagod ba kayo?." tanong ni Augustus sa pangalawa nitong anak bago tiningnan ang dala nito.

"Wow! Daddy! Gusto kong tumira na lang sa lugar na ito. Maraming prutas ang mabubusog talaga ako dito. Gusto kong tumira sa lugar na ito. Malamig ang simoy ng hangin and yeah! Great!." masayang sabi ng pangalawang anak kay Augustus habang nakamasid na lamang si Rupert.

Natatawa na lamang si Augustus sa anak

"God! Shut up! Ang sakit mo sa tainga!." singhal naman ng panganay ni Augustus.

"Para kang bata. You're not child anymore. Stop acting like that." masungit na sabi ng panganay ni Augustus kaya nailing na lamang na tumingin kay Rupert.

"Ganito talaga ang mga ito. Pasenyahan mo na. By the way Rupert this is my son Hector." tinuro ni Augustus ang panganay na tahimik lamang bago tumingin sa pangalawang anak na lalaki.

"At itong isa. Hendrick ang bunso ko." lumapit ito kay Rupert bago kinuha nito ang kamay na lang bigla kay Rupert bago nagmano ito.

"Ang gwapo talaga ng mga anak mo. Binata na.." nasabi na lamang ni Rupert ng magmano ang pangalawa anak ng kaibigan.
Natawa na lang si Augustus.

"Kuya? Anong tinatayo mo diyan? Magmano ka rin sa kaibigan ni Daddy." sabi ng pangalawa anak ni Augustus sa kapatid nito.

Umikot lang ang mga mata nito pero hindi man lang ngumingiti.

"Tsk!."maikli nitong tugon sa kapatid bago napilitan magmano kay Rupert. Napangiti na lamang si Rupert habang nakatingin sa panganay na anak ng kaibigan.

"Hendrick? Let's go." maikli nitong sabi kapatid bago tumalikod na lamang.

"Bye dad! Sorry dad, and Tito may regla lang po talaga si Kuya. Kaya ganoon po." sabi ng pangalawang anak ni Augustus bago sumunod ito sa kapatid na sinundan naman ng kasambahay.

Napailing na lamang si Augustus bago tumingin sa kaibigan.

"Pagpasensyahan mo na ang anak kong panganay Rupert. Ganoon lang talaga iyon pero mabait naman?." sabi ni Augustus kay Rupert.

"Wala iyon. Ayos lang ganoon talaga ang mga bata."maikli nitong tugon kay Augustus. Natahimik na lang si Augustus.

"Alam mo Rupert kung magkaanak sana ako gusto ko sana babae. May isa pa sana para mapagbigyan ko ang mga anak ko. Lahat naibigay ko sa kanila pero ito na lang ang hindi. Alam mo bang matagal na silang gustong magkaroon ng kapatid na babae? Ano sa tingin mo?.." maya mayang sabi kay Rupert na napatingin dito.

"Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi kayo gumawa?." natatawa pang sabi ni Rupert dito.
Pero nailing na lang ito at napabuntong hininga.

"Hindi na kaya pa. Iyong gusto nilang hilingin sa akin hindi ko maibigay." napakunot ang noo nito bago tumingin kay Rupert.

"Paano kaya kung babae ang anak mo Rupert?." tanong ni Augustus sa kanya kaya napakunot ang noo nito

"Anong ibig mong sabihin?." taka tanong ni Rupert kay Augustus pero ngumiti na lamang ito sa kanya. Masaya ang mukha nito pero parang hindi nya nagustuhan ang ngiti nito.







..........hindi edited, typographical error

Hyejin Minsuh(Ms. M)

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon