Chapter 40(IN YOUR ARMS)
Ms.M
Maraming salamat sa inyong lahat. Wala akong masabi kundi salamat sa inyong papuri kahit di ako ganoon kagaling. Tnx ulit! SpgKonti langThirdPersonPoV
"KANINA PA KITA tinatanong diyan Anaya? Bakit isang linggo kang di pumasok? Tinatawagan kita pero di kita mareach? Pumunta naman ako sa inyo pero hindi ka raw pwedeng makausap? May sakit ka raw? Ano ba talagang nangyari sayo? Alam mo bang pinag-alala mo ako Anaya?. "sabi ni Brave kay Anaya habang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng punong malaki na sakop lang ng paaralan na pinapasukan nya.
Dito sila pumunta matapos kapag pahinga naman nilang dalawa. Dahil tahimik at bihira lang ang taong dumaan dito at sariwa ang hangin.
Napatingin sya kay Brave na puno ng katanungan ang mga mata nito. Pero parang hindi nya masagot ang lahat ng tanong nito sa kanya kaya nanahimik sya kahit hindi nya alam kung paano nya ito sasagutin.
"Sis naman eh? Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Nahiya ka pa ba sa akin? Nagkasakit ka ba dahil sa pagsabunot ng Fatima na iyon? Ang walang hiya na iyon sinaktan ka pa? Hindi naman pala girlfriend ni Jasfer na babaerong iyon kung mang-away sayo feeling girlfriend?. "sabi nito sa kanya kaya napabuntong hininga na lamang sya.
Hindi nya alam kung bakit hindi ito nagtatanong tungkol sa nalaman nito noong araw na iyon. Handa na ba syang sabihin dito ang lahat?
"Saka? Alam mo bang kinidnap daw si Fatima. Hindi ko alam kung karma pero ganoon na nga. Kinidnap daw ng mga lalaki tapos hindi ko alam kung gawa gawa lang ng magulang ng Fatima iyon takot na takot daw si Fatima kaya hindi na dito pumapasok. Wala ng mananakit sayo. Inilibing daw ng buhay sa sementeryo at agad din nalaman ng mga magulang dahil may nag text daw sa mga ito na kung gusto raw maabutan ng buhay. Hukayin daw sa sementeryo. Grabe sis? Nakakatakot iyong nangyari kay Fatima. Hindi ko alam kung totoo pero wala na iyong pamilya nya dito sa San Diego. Umalis na at lumapit sa ibang lugar. Hindi raw alam kung sinong may gawa kay Fatima pero umalis na lang iyong pamilya kaysa alamin kung sino. Grabe talaga nangyayari. "parang kinilabutan iyon habang nagkukwento sa kanya.
Nagtataka na lamang syang nagulat din sa balita nito sa kanya. Sa loob ng isang linggo marami talaga syang malalaman kay Brave lalo na kung di sya pumasok.
Dahil halos ikamatay na lang nya ang pakikipagtalik kay Hector.Nagkasakit sya dahil nagalaw na ang tulad nya. Hindi nya alam kung tama ba pero buo na ang kanyang desisyon. Naibigay na nya ang flower nya rito at wala na talaga.
"Huh? Totoo? Saan mo naman nasagap iyan? Baka nagkamamali ka lang? Bakit?." gulat nyang tanong kaya napanguso na lamang ito.
"Hindi ako chismosa Loka ka? Nabalitaan ko lang dito sa school dahil iyong mismong parents ni Fatima ang pumunta para ipaalam iyon at aalis na lang. Dahil mukhang natrauma ata si Fatima? Hindi ko alam sis pero ikaw kaya ang ilibing ng buhay? Hindi ka ba matatakot? Hindi ko alam kung karma ba iyon pero grabe naman iyon mabuti nga hindi sinaktan Inilibing lang ng buhay. Pero katakot parin. "kwento nito sa kanya kaya naguguluhan parin sya.
Hindi nya alam kung bakit nangyayari iyon kay Fatima? Sinaktan lang naman sya non pero ganoon nangyari kay Fatima ba iyon? Hindi nya alam kung totoo pero hindi naman talaga nya nakita na ito. Hindi nya alam kung ikakatuwa nya ba pero ang ilibing ng buhay hindi kaya natatakot iyon?
"Grabe? Dami palang nangyayari hindi ko alam. Anong nangyayari na dito sa atin."nasabi na lamang nya kaya naningkit ang mga mata nito.
"Oo nga Anaya. Alam mo bang si Ma'am na masungit? Wala na rin sa school sis. Hindi ko alam kung nasaan na pero mas masaya. Bigla na lang nawala at hindi namin alam kung nasaan na. Pero may nagsasabing umalis na raw bigla. Matutuwa na sana ako dahil wala na iyong matandang dalaga na iyon. Kainis kasi ang ginawa sayo. Buti nga ng umalis na. "sabi nito bago napa_ekis na lang ang braso nito at tumingin sa kawalan
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...