Chapter 16

239 5 0
                                    

Chapter 16(IN YOUR ARMS)



ThirdPersonPoV


KAKALABAS PA LAMANG NI ANAYA sa kanyang kwarto galing sa mahimbing na tulog ay napatigil sya ng isara nya ang pintuan ng kanyang kwarto dahil nakita nya si Hector na hindi kalayuan sa kanya sa labas ng kwarto habang may kausap ito. Napatigil ito ng makita sya kaya napaayos na lamang sya sa kanya sarili dahil nakatingin naman ito sa kanya ng seryoso.
Napalunok na lamang sya ng ilang beses bago hindi na lamang pinansin dahil kakaiba ang tingin nito sa kanya.
Kaya hindi man lang nya ito binati o pinansin man lang dahil ayaw nito sa kanya habang nasa bahay na ito wala syang magagawa dahil hindi nya ipagpipilitan ang kanyang sarili sa isang taong ayaw sa kanya. Kung maari iiwas na lang sya pero hindi talaga maiwasan dahil isa rin hindi maintindihan kung anong sinasabi na wala syang alam.

Bumaba sya at wala syang nakitang tao. Maliban sa tahimik na bahay at umikot ikot pa ang kanyang mga mata para hanapin kung saan si Sir Augustus pero hindi nya makita siguro may pinuntahan lamang na importante.
Kaya napagpasyahan na lamang nyang pumunta sa kusina kung saan makikita nya ang mga kasambahay doon.
Napatingin ang mga ito sa kanya ganoon din ang isang lalaki na medyo may doble ata sa kanyang edad.
Tipid syang ngumiti sa mga ito.
Dahil napatigil ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

"Senyorita? Nagugutom na po ba kayo?." tanong sa kanya ni Nerissa na agad na lumapit sa kanya ganoon din si Gilda.

"May gusto po ba kayong kainin? O ipagtitimpla ko kayo ng gatas? Hindi pa kasi tapos magluto ng almusal." sabi nito sa kanya kaya ngumiti na lamang sya ng tipid.

"Ayos lang po ako kahit wag na lang po. Pumunta lang po kasi ako dahil parang ang tahimik ng bahay." tugon nya sa mga ito.
Sumenyas itong umupo sya kaya umupo na lamang sya sa upuan. Napatingin sa sa nagluluto ang almusal kundi si Rizzy na tahimik lamang.

"Senyorita? Syanga pala si Vincent, driver ni Sir Augustus." sabi ni Nerissa sa na ipinapakilala nito ang lalaking nakatayo doon na may hawak na tasa.

Bahagya pa itong yumuko sa kanya.

"Magandang umaga Senyorita. Ako si Vincent taga pagmaneho nila Sir Augustus at Senyorito."sabi nito sa kanyang kaya ngumiti na lamang sya ng malapad. Mukhang mababait naman itong mga ito maliban lang kay Rizzy na napapatingin lang sa kanya ng inilagay nito ang niluto sa pabilog na mesa. Hindi man lang sya nito pinansin kaya ganoon din naman sya.

"Pwede po ba? Wag nyo na po akong tawagin senyorita? Anaya po ang pangalan ko lagi ko po kasing naririnig iyan simula ng dumating ako dito." sabi nya sa mga ito pero ngumiti na lamang.

"Masanay na lamang po kayo Senyorita dahil iyon ang dapat naming itawag sa inyo. Dahil iyon po ang nararapat." sagot naman ni Vincent sa kanya.

Ngumiti na lamang ang dalawa nasi Ate Gilda at Nerissa.

"Oo nga senyorita dahil iyon ang dapat namin itawag sa inyo kaya wag na kayong magtaka. Dahil parte ka ng pamilyang ito." nakangiting segunda naman ni Nerissa kaya napabuntong hininga na lamang sya.

"Sige po kayo po ang bahala." tugon nya sa mga ito habang nakangiti.
Napatingin sa kanya si Rizzy na tahimik lamang.

Nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit hindi man lang ito ngumiti sa kanya ng ngumiti sya rito. Ito iyong babaeng nakita nya kung papano halikan ni Hector at hindi nya parin makalimutan sa kanyang utak ang mga ginawa ng mga ito.
Hindi nya alam sa kanyang sarili ngunit nagtataka sya kung bakit.

Nag-uusap ang dalawang kasambahay sa mga gagawin nito habang natuon ang kanyang paningin kay Rizzy na naglagay ito ng tsaa sa tasa bago nilagay sa tasa.
Hindi nya tuloy mapigilan magtanong kahit alam nya sa kanyang sarili na wala syang pakialam.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon