Chapter 56

127 2 0
                                    

Chapter 56(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Maraming salamat sa inyong lahat. Kaya na bahala unawain ang nasusulat sa ibaba. At sa susunod pa.

ThirdPersonPoV

HINDI NYA NI ANAYA kung anong sakit ang kanyang nararamdaman.
Doble ang sakit na kanyang nararamdaman na hindi mawala wala. Hindi sya makapaniwala wala na ang kanyang ama.
Wala na ang kanyang ama na nagmamahal sa kanya at hindi nya alam kung bakit hindi sinabi sa kanya.

Parang ang bilis lang ng panahon. Nakaupo sya sa upuan habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ama.
Narito sila sa laway kung saan nirentahan para dito na lang iburol ang kanyang ama wala syang ginastos at mabilis ang proseso ng lahat.
Nakaupo sya sa isang tabi sa habang wala sa sariling nakatitig sa kabaong ng kanyang ama.
Habang may pailan ilang taong dumudungaw sa kabaong ng kanyang ama na nag-abala pa talagang pumunta. Ang mga kilala at naging kapitbahay nila nag-abala pang makiramay sa kanya.

Hindi na nya napapansin ang mga sinasabi ng mga ito. Habang tulala sya na hindi parin matanggap ang nangyayari sa kanya. Sobrang sakit sa kanya at mahirap sa kanyang tanggapin ang lahat.

Naramdaman nyang may umupo sa kanyang tabi. Hindi nya ito pinansin ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay at nilagay sa labi nito.

"I'm sorry... Wala akong magawa para pagaanin ang loob mo. Everything gonna be alright Love.." mahina sabi ni Hector ngunit napaluha na lang sya.
Nakatitig sya sa kawalan habang namamaga ang kanyang mga mata na wala syang pakialam sa kanyang hitsura.

"Be strong.. Hindi magugustuhan ni papa kung ganyan ka. Makakasama sa baby natin iyan Anaya." sabi pa nito sa kanya ngunit pagluha na lang ang kanyang nagagawa.

Hindi parin nya matanggap na wala na ang kanyang ama. Iniwan na sya ng kanyang mga magulang. Lahat. Nawala nalang bigla at hindi man lang nasabi nyang nagdadalang tao sya.

Hindi nya ito pinansin at tumayo na lang habang lumuluha.
Lumakad sya patungo sa kabaong ng kanyang ama at pinipigilan ang kanyang sariling humagulhol na lang.

Nanginginig pa ang kanyang kamay na humawak sa kabaong nito. At umiiyak na nanginginig pa ang kanyang bibig habang pinipigilan humagulhol dahil sa sobrang sakit na  kanyang nararamdaman. Sobra sobra at hindi nya matanggap kahit sabihin ng iba na magiging ayos ang lahat pero hindi nya matanggap sa kanya sarili na makita ang kanya ama na.

Na nasa loob ng kabaong. Kita nya ang nakapikit nitong mga mata sa ilalim salamin kung saan nakahiga roon.
Nanginginig ang kanyang kamay na hinaplos ang salamin habang bumubuhos ang kanyang pagluha. Kahit anong gawin sa kanya walang makakapigil sa sakit na kanyang nararamdaman.
Dahil sobra syang nasasaktan hindi nya kayang makitang nakahiga ang kanya ama sa kabaong.

Gusto nyang magsalita at kausapin ang walang buhay nitong buhay pero hindi nya magawa. Dahil kahit anong mangyari hindi na sya nito maririnig dahil patay na ang kanyang ama.
Nanginginig na hinaplos ang salamin habang bumubuhos ang kanyang luha.
Gusto nyang sabihin ang kanya nararamdaman pero wala syang magawa. Nagawa nya lang na umiyak sa walang buhay katawan nito.

Magang maga na ang kanyang mga mata at hindi nya yata mabilang ang sarili kung ilang minuto o oras syang umiyak dahil hindi nya matanggap na wala na ito.

Iniwan na sya ng kanyang ama. Doble ang sakit na kanyang nararamdaman sa ngayon. Masakit sa kanya na walang ina na kinagisnan pero mas masakit sa kanya na wala na ito. Iniwan na sya ng tuluyan ng kanyang naging ina at ama na gusto lang ang mapabuti sya. Ngunit hindi man lang nya nalaman na may matagal na pala itong sakit na hindi nya alam.
Sabi ng doktor ay may sakit ito sa puso. At syang kaideya ideya.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon