Chapter 44

175 2 0
                                    

Chapter 44(IN YOUR ARMS)

Ms. M #Warning #spg ⚠ ⚠️ ⚠️ ⚠️
Ingatan ang sarili. Pwede basahin kung kaya ng inyong sikmura lalo na iyong mga minor diyan. 

ThirdPersonPoV

NAGTUNGO SI ANAYA SA swimming pool.
Napangiti na lamang ng tipid ng napatingin sa kabuuhan. Maganda talaga maligo sa ngayon lalo na  kung gabi na dahil mapresko sa pakiramdam. Tahimik ang paligid at gabi na pero andito sya sa labas at nag-iisa habang nasa loob si Hector. Hindi nya alam kung galit pa ba ito sa kanya pero wala na syang pakialam doon. Dahil minsan talaga ayaw naman nyang humingi ng tawad dito pero dahil parang nakonsensya sya dahil sa ginawa nitong pagtuhod.
Hindi naman nya sinasadya talaga. Nagiging mabait na nga sya kay Hector kahit iba talaga ito dati. Hindi nya alam kung bakit biglang nagbago ito sa kanya.

Dahil siguro ayaw nito noon sa kanya dahil bata pa sya. At hindi sya magtataka dahil mas matanda nga iyon sa kanya ng maraming taon. Siguro may kasintahan ba ito? Hindi nya alam kung bakit sya nalungkot. Bago pa man noon wala man syang nababalitaan tungkol kay Hector. Parang wala naman sya ng alam talaga sa buhay nito. Hindi naman ito nagkukuwento sa kanya. Ano nga naman talaga sya isang asawa lang sa papel at alam nyang hindi sya nito mahal. At ginawa naman nya ang nararapat. Maging isang magiging asawa at ibigay ang pangangailan kay Hector bilang lalaki dahil gusto ng mga pamilya nila ay maging maayos sila.

Dahil asawa nya na ito gagawin nya ang lahat. Sisikapin parin nyang maging mabuti kahit hindi sya perpekto. Susunod na lang sya kung anong gusto ng tadhana sa kanya.
Kahit malabo ang sa kanila ni Hector kaya tatanggapin nya na lang kung anong buhay nya sa ngayon. Dahil siguro naman sa buong mundo hindi lang sya ang nakakaranas ng ganito. Mas maswerte pa yata sya dahil maayos naman ang buhay nya at ang kanyang ama.

Tumalon na lamang sya sa tubig at lumangoy.
Lumangoy lang sya ng lumangoy at nagbabad na lamang dahil maganda sa pakiramdam ang malamig na tubig lalo na kung gabi.

Lumangoy sya at sumisid bago iniahon ang kanyang ulo. Medyo malalim nga lang ang tubig. Pero pag ahon ng kanyang ulo nakita nya si Hector na nakatayo at nakatingin sa kanya na seryoso ito.
Medyo madilim sa parte ng swimming pool pero kita nya si Hector at malinaw na nakatingin sa kanya.
Hindi nya na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalangoy.

Parang wala syang nakitang tao pero nakikita nya itong nakamasid sa kanya. Hindi naman nya alam kung anong kailangan nito pero nanahimik lang.
Baka gusto bang maligo dahil naka-boxer lang ito.

"Is it nice to swim tonight?." tanong nito sa kanya.
Nakapamaywang ito na nakamasid sa kanya sa bawat galaw na ginagawa nya.
Nasa kabilang parte ito at medyo malayo sya rito.

"Yeah, it feels good." tugon nya kay Hector na parang normal lang makipag-usap.

Napatango tango ito bago tumingin sa kanya. Kaya umiwas na lamang sya ng tingin.

"Sa tingin ko gustong kong sumisid." sabi nito nakita nya kung paano umangat ang sulok ng labi nito. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin nito kung gusto nitong maligo wala naman syang pakialam basta wag lang lalapit sa kanya.

Tumalon na lang ito sa tubig kaya nagulat sya. Napatabi na lamang sya dahil baka gusto nitong maligo. Hindi nya lang nya pinansin kung gusto maligo ni Hector.
Lumangoy sya patungo sa kabila para umahon na dahil hindi nya yata kayang may kasama dito.

Pero nagulat sya ng may humila sa kanyang baywang.
Sabay yakap nito sa kanya. Hindi na sya nagulat ng makita nya si Hector.
Yakap ang kanyang baywang hapit ang kanyang katawan dito.

"Let me go." sabi niya pero hindi sya nito pinakawalan.
Mataas nga lang kaya nakaangat sya sa tubig. Kapag sinubukan nyang ilapat sa ilalim ang kanyang paa ay hindi nya magawa.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon