Chapter 57

141 2 0
                                    

Chapter 57(IN YOUR ARMS)


Ms. M ⚠️ ⚠️ R18
Txn. Sa'yo. All.
SaPatuloyNaSuporta.
Pasenya Na Kung Di Nakakapag-ud. Kasi may ibang ginagawa rin.
Sisikapin paring makapag-ud dito.

ThirdPersonPoV


NALULUHANG NAKAUPO SA KAMA SI ANAYA habang nakatingin sa kanya phone. Nakaupo sa kama habang umiiyak na tahimik habang nasasaktan. Dahil hindi nya parin matanggap na wala na ang kanya ama. Parang ang bilis ng panahon at ilang araw na rin ang nakalipas pero parang kahapon lang.
Kaaga aga pero narito sya umiiyak habang nakatingin sa litrato ng kanyang ama sa kanyang phone.
Napangiti na lang at lumuluha habang nakatingin sa hawak nyang phone. Mahirap para sa kanya na makita na lang sa phone nya. Dahil ang totoo wala na ang kanyang ama.
Sobrang sakit para sa kanya na mawalan ng magulang na kahit among pilit nya sa kanyang sarili na magiging ayos pa ang lahat. Pero parang masisiraan sa ng bait.
Parang hindi nya na kaya ang lahat.

Mahirap isipin na mawalan ng magulang at nasanay na syang nariyan lang ito. Hindi man lang nito nalaman na nagdadalang tao sya. Hindi nya alam kung hanggang saan at kailan mawawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
Gusto nyang walang sakit na maramdaman dahil baka makasama sa kanyang anak pero tila tinatraydor sya ng kanyang sarili at hindi nya mapigilan ang lahat. Masyado syang naging emosyonal. Sumasakit ang kanyang dibdib at kung sana may mawala na ito pero hindi nya magawa.
Parang paulit ulit na lang nyang nararamdaman ito.

"Love? Anaya?." tawag sa kanya alam nyang si Hector iyon.

Hindi nya na lang pinansin at tinuyo ang kanyang luha at ngumiti na lang kahit masakit parin sa kanya.

Nakatalikod sya kay Hector na bumangon sa kama.
At agad itong tumabi sa kanya pero umiwas sya ng tingin dahil ayaw nyang makita sya nitong umiiyak.

"Are you crying?." tanong nito sa kanya pero tumingin sya rito at ngumiti ng matamis ngunit nanggigilid ang kanyang luha sa mga mata. Nag-alala ang mga mata nito.
Agad syang umiwas ng tingin at bumuga ng hangin para mapagaan ang sariling dibdib.

"Ah? Pasenya ka na. Nagising ata kita. Pwede ka ulit matulog. Pasenya na talaga hindi lang talaga ako makatulog alam mo naman? Ganoon talaga ang tao." sabi nya kay Hector.

Alam nyang nakamasid ito sa kanya at napapabuntong hininga na lang.
Hindi ito umimik ngunit inakbayan sya nito at hinaplos ang kanyang braso at niyakap sya nito.
Nanggigilid ang kanyang luha sa simple yakap lang nito pero pinipigilan nya lang.
Hinalikan pa nito ang kanyang buhok.

"Magiging ayos din ang lahat. I'm sorry." sabi nito sa kanya.

Napapikit na lang sya at hindi nya na napigilan ang kanyang sarili. Tuluyan ng nahulog ang luha mula sa kanyang mga mata at tahimik na umiiyak.
Mabigat parin ang kanyang pakiramdam dahil wala na ang kanyang ama.

Agad syang humiwalay kay Hector na parang nagtataka naman ito.
Sa ibang direksyon sya nakatingin at pasimpleng pinahid ang kanyang luha.

"Pwede bang kunin mo ako ng tubig?." nasabi nya para lang wag nitong makita na umiiyak sya .

"O-okay? Kukuha ako." tugon nito sa kanya na parang ayaw nitong umalis sa kanyang tabi.
Napahinga na lang sya ng maluwag ng mawala ito sa kanya tabi.
Ngunit hindi nagtagal nakatingin naman sya sa kawalan at tuloy tuloy ang daloy ng kanyang luha.

Napayuko na lang sya at hawak ang kanyang dibdib na sumasakit dahil sa nangyayari. Hindi nya parin tanggap na hindi nya alam kung bakit ganito? Manhid ba ang kanyang sarili kung bakit masakit parin? Hindi matanggap na wala na ang kanyang ama at magbagong buhay na lang na hindi kasama ito pero hindi nya kaya.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon