Chapter 14(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Salamat sa lahat, asahan na maraming mali. Ang pagsusulat dito ay hindi seryosohan. Habang dito pa? Baka maipagpatuloy ko pa. 🙂😊☺️ThirdPersonPoV
MAG-ISA SI ANAYA habang naglalakad lakad sa labas ng bahay. Hindi sa mismong labas ng gate na kung saan pwede naman syang lumabas pero may nagbabantay doon.
Ngayon lang pala napansin na may bakod pala ang bahay na ito simula ng pumunta sya rito.Wala lang talaga syang magawa sa loob ng bahay dahil alam nyang makikita nya doon si Hector. Hindi lang talaga nya kayang makita ito dahil baka kung anong sabihin naman sa kanya at nagmumukha syang tanga.
Kahit nalulungkot man ay tinitiis naman nya dahil para lang iyon sa kanyang sarili kahit sa bawat paglipas ng araw at gabi sinasanay na lamang ang kanyang sarili na wala talaga ang kanyang ama. Kailangan nyang masanay dahil ganito talaga ang magiging buhay nya dito sa bahay na ito.
Kahit gusto man nyang makausap ang kanyang ama ay hindi nya magawa dahil wala syang lakas na loob sabihin iyon kay Sir Augustus. Kung sa mabait lang talaga wala syang masasabi na parang tunay na anak na talaga ang turing nya sa kanya.
Kaya tawag na nga nya ay daddy or dad na minsan kapag ganoon ang tawag nya napapatingin sa kanya si Hector kapag nariyan.Nabuntong hininga na lamang bago napangiting pinagmamasdan ang magagandang bulaklak at medyo malaking puno dito sa labas ng bahay.
May mga paru-paro na lumilipad sa paligid dahil siguro sa magagandang ibat ibang klase ng bulaklak dito.
Alagang alaga na parang laging may naglilinis dito at nagtatanim ng bulaklak.Napangiti na lamang sya. Ayon na lang ang paraan para hindi sya malungkot. Napangiti na lamang sya habang umiihip ang malamig na simoy ng hangin sa umaga na kahit may araw na malamig parin ang simoy ng hangin.
Lumilipad ang kanyang mahabang buhok.
Napatingin sya sa araw na hindi pa mainit sa balat kaya kita nya kung papano mas lalo nyang nakita ang maputi nyang balat.Dahil sa mga bulaklak na rosas ay mabango ang paligid sariwa pa ang mga bulaklak kaya naisipan nyang kumuha ng isang bulaklak bago nakangiti inamoy kaagad iyon.
Napangiti pa sya bago napapikit dahil nagugustuhan nya ang rosas.Napangiti na lamang sya bago nagmulat mata ng maisipan na nyang pumasok sa loob. Pero bago iyon pumitas pa sya ng dalawang pirasong bulaklak bago tumalikod na pero muntik na syang mapaatras dahil nagulat sya.
Nahulog pa ang mga bulaklak sa damo dahil hindi nya inaasahan na magugulat sya.
Napakurap na lamang sya ng ilang beses ng makita nyang malapit lang sa kanya si Hector.Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi nya alam kung anong ginagawa nito dito.
Mukhang hindi naman galit pero seryoso parin ito. Kaya napalunok na lamang sya ng ilang beses bago umiwas na lamang ng tingin.Dahil baka magalit ba ito sa kanya?
Pupulutin na sana nya ang bulaklak ng dahan dahan nitong pinulot bago ibinibigay sa kanya kaya napatingin sya roon. Sa kamay nitong hawak nito ang bulaklak na nahulog nya.
Nakatitig lamang ito sa kanya at hindi maintindihan ang galit ba ito?Wala syang ginawa kundi kinuha na lamang nya iyon bago yumukong umalis sa harapan nito para sana umalis pero hinawakan sya nito sa kanyang braso kaya gulat syang napaharap dito.
"Kuya?." taka nyang tanong dito kay Hector ng nakahawak ito sa kanya braso pero agad naman nitong binitawan.
Napayuko na lamang syang habang kinakabahan dahil hindi nya alam kung anong ginagawa nito.
Napaatras pa sya bago tumingin dito ulit. Kita nya kung papano kumunot ang noo nito bago umigting ang panga nito kaya napakurap kurap na lamang sya.
Galit ba ito sa kanya?"Magkano ang binayad sayo ni Dad?." tanong nito sa kanya kaya napakunot noo na lamang sya dahil sa tanong nito. Tumingin sya sa mukha nito kahit ayaw nyang makita ito.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...