Chapter 55

134 1 0
                                    

Chapter 55(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Salamat sa lahat. Sa patuloy na suporta kahit di naman kagalingan. Hobby lang talaga? Txn again.
Typographical Error 👇

ThirdPersonPoV

PAGTATAKA SA SARILI, IYON ANG NARARAMDAMAN NI ANAYA.
Dahil sa sinabi ni Sir Augustus sa kanya na parang hindi mawala sa kanyang isip. Parang kinabahan sya kahit alam naman nyang wala naman yata iyon? Kaya  pagkaumagahan gumayak sya para puntahan ang kanyang ama.
Dahil minsan lang nya makausap ito sa phone man lang at hindi man lang sya mabisita nito sa bahay kung saan sya nakatira. Kung pwede lang wag na silang maghiwalay pero parang ayaw iwanan ng kanyang ama iyon.

"Where are you going? Kaaga aga pa." napatingin sya kay Hector na kakabangon pa lang ng kama.
Napangiti na lang sya at sumagot dito.

"Pupuntahan ko lang si Papa dahil gusto ko syang makita Hector." tugon nya rito.
Tumayo ito at kaagad na lumapit sa kanya kahit kababangon pa lang.

"Dapat sinabi mo sa akin kagabi na pupunta ka. Hindi ko iyong nagugulat na lang ako na nakabihis ka na." tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"And masyado pang maaga? Nag-almusal ka na ba? Baka wala pang laman ang tiyan mo? I don’t want anything to happen to our baby. And then didn't I tell you na magpapatingin ka sa doctor if our baby is okay?." sabi nito sa kanya.

Napangiti na lang sya kay Hector. Tinitigan nya ang mga mata nito at ngumiti na lang kahit gusto nyang magtanong pero hindi nya magawa dahil tingin nya hindi iyon ang panahon na magtanong dito kagaya ng sinabi ni Sir Augustus.

"Siguro wag muna ngayon, Saka maliit pa naman itong tiyan ko wala pa nga? Saka na lang kumpirmahin kung buntis ba talaga ako? Ngayon kasi pupuntahan ko sana si Papa. Alam mo naman na parang wala na lang kasama doon si Papa. Wala na ako doon." sabi nya kay Hector.

Niyakap sya nito sa kanyang baywang kaya tumingal na lang syang nakatitig sa mga mata nito.

"Bakit hindi na lang sya tumira dito? Malaki ang bahay Anaya. And I wish he would just live here so that it won't be difficult for you to visit him. And it's like I'm thinking of just living in the city with your dad. I wish we could move house.." sabi nito sa kanya kaya napaisip naman sya.

"Gusto mong tumira sa syudad? Hindi ba magulo doon? Saka hindi ko nga alam kung papayag si papa dahil parang ayaw naman noon. Saka tingin ko mas maganda naman tumira kahit dito lang.."tugon nya rito. Napatango tango naman ito.

"Ayaw mo? If lumipat tayo ng bahay?." tanong nito sa kanya at hindi naman sya makasagot dito. Bakit kailangan pang lumipat kung ayos naman na ang kalagayan nya rito.

"I don't know? Pero paano si papa? Papayag ba sya?." nasabi nya dahil ayaw nyang iwanan ang kanyang ama. Paano na lang kaya kung sobrang layo? Hindi nya alam kung kakayanin nyang maiwan ito. Dahil noon panahon na unang beses nyang maiwan ito at hindi nya kasama tingin nya mababaliw sya.

"I think? We'd better ask him. Let's encourage him to move house so you can be with him. And of course you will tell him that we are going to have a child." masayang sabi nito habang nakatitig sa kanya. Napangiti na lang sya kahit naiisip ang kanyang ama.

Magiging masaya ba ito kapag nalaman na magkakaroon na sila ng anak? At inaayos naman nila ang buhay nila ni Hector? Dahil kahit pinagkasundo lang sila nagiging maayos naman silang dalawa.

"I see. But I will try. I'm going home." tugon nya rito. Humawak sya sa dibdib nito at ngumiti na lang kay Hector. Hindi nya alam sa kanyang sarili pero masaya sya sa piling nito.

"Yeah, So I will accompany you to make your trip safe. I don't want anything bad to happen to you while you are carrying our child. I don’t want that to happen. Love." sabi nito sa kanya.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon